Sunday, August 2, 2020

Pangmamaliit ng Isang Lalaki sa mga Call Center Agent, Binatikos ng mga Netizen; Pagtatrabaho sa Call Center, Isa Umanong Mababang Trabaho!



Hindi nagustuhan ng marami lalong lalo na ng mga Call Center Agents ang ginawang panlalait at pangmamaliit umano ng isang lalaki sa mga taong nagtatrabaho sa Call Center o BPO companies.

Sa isang Facebook post, isang Carlos Miguel A. Gaisano ang nagsabi na dahil umano nawawalan na siya ng mapagpipilian ngayong panahon na mayroong pandemya, kahit nakakahiya umano sa kanyang pamilya ay mag-aapply na lamang daw siya bilang call center agent.

Graduate umano ng college si Gaisano kaya ani nito, dapat lamang umano na mas mataas ang magiging pasahod sa kanya kompara sa mga call center agent na hindi nakatapos ng kolehiyo.

“Magkano ba highest salary offer for a college grad if wala na kameng choice during this pandemic and mag ccall center nalang? Di ba dapat lang mas mataas offer namen sa mga SHS and high school grad lang? Tyia. Mag call center nalang muna ako kahit malaking kahihiyan sa family ko hehe,” ani pa nito.


Dahil sa pagiging mapanliit at arogante ng pahayag na ito ng naturang indibidwal, marami ang umalma rito lalong lalo na ang mga nagtatrabaho bilang call center agent.

Kaya naman, muling saad pa ni Gaisano,

“Why hating on me sa comments? I mean fom what me and my friends are hearing about the industry very uncivilized and unprofessional daw mga tao. Imagine mga babae nagiging kabit, mga lalake pumapatol sa bading, tapos mga bading na dating nanggugupit lang sa parlor at nagtitinda ng mani sa daan nakakapasa…

“So kahit sino nalang pala pwede mag work sa ganyang kababang trabaho. Thanks for the realization.”



Imbes na matauhan ay mas ibinaba pa ng naturang netizen ang kanyang tingin sa mga call center agents. Pinagbintangan niya ang mga ito ng mga hindi magagandang bagay at minaliit pa ang kakayahan ng mga taong nagtatrabaho lamang umano bilang call center agent.

Kaya naman, dahilan ito upang makatanggap ang naturang netizen ng kabi-kabilang pambabatikos sa social media. Hindi na napigilan pa ng mga call center agent na magkomento sa naturang post dahil sa napakababa nitong tangin sa kanila at pati na rin sa umano’y pagtapak nito sa kanilang pagkatao.

Marangal na trabaho ang pagiging call center agent at hindi isang mababang uri ng trabaho gaya ng pagkakalarawan nito. Hindi umano madali ang pagtatrabaho rito kaya maling-mali umano ang ginawa nitong pangmamaliit sa kanila.

“Yiee graduate pala huh pa tingin muna ng TOR bebe. Pag walang sumayad na dos sa LAHAT ng majors mo saka mo na ako yabangan,” panghahamon pa ng isang netizen kay Gaisano.


Heto pa ang ilan sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol sa naturang viral post:

“Wag ka na lang magcall center tutoy. Mas di ka namin kelangan dito. Dyan ka na lng sa diploma mo. Wala nman kami against sayo kung nkagrad ka, mukha naman mabubusog ka ng diploma mo during this pandemic.”

“Ako nga nagsimula sa 14k. Ngayon 25k na. Wag mag hanap ng high salary kung wala pang job experience.”


“B*bo grad din ako sa kolehiyo. Pwede talaga kahit sino sa center kahit tindero pwera lang mga kagaya mo… dahil bawal ang walang utak dito. At magdasal ka wag kitang makikita sa center namin. P*TANG INA MO!!”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment