Monday, August 24, 2020

Pauleen Luna, Hindi Pinalagpas ang Isang Basher ng Anak na si Tali!


Hindi nakaligtas sa aktres at TV host na si Pauleen Luna ang ginawang pambubully umano ng isang basher na ito sa kanyang anak sa social media. Sa pamamagitan ng magkakasunod na Facebook post, pinahiya umano nito ang kanyang anak na si Tali.

Isang netizen sa Facebook na may username na Patrich Walter L. Harris ang walang katakot-takot na nanlait kay Tali, ang anak nina Pauleen at asawang si Vic Sotto.

Sa magkasunod na Facebook post, matapang na nanlait ang basher na ito at sinabing ‘pangit’ umano ang inosenteng anak nina Pauleen.

“Pangit na bata,” una pa nitong sinabi.



Hindi pa rito natapos ang basher at pauli-ulit pang inihayag ang kanyang panlalait sa bata. Ani nito,

“Kahit anong sabihin niyo wala akong pake basta pangit ‘yung bata tapos. Kung naapektuhan kayo kasi pangit anak niyo di ko na kasalanan ‘yun wag kayong pakialamero jarn okay? Wag din kayo tumawa sa post ko tapos biglang nag cocomment kdhdkskd jeez…

“HAHAHAHA TOTOO NAMAN KASI PANGIT ANAK NIYA PANGIT DIN ANAK NI PAULINE.”

Dahil sa lantarang pambubully na ito ng naturang basher kay Tali, minabuti ni Pauleen na kausapin ito sa pamamagitan ng isang private message.

Sa naturang pag-uusap, makikita ang pagiging kalmado ni Pauleen sa kabila ng pagiging pilosopo ng basher sa pagsagot nito sa kanya.





“I would just like to let you know that I can sue you for shaming and cyberbullying a minor,” kalmado pang ani ni Pauleen sa naturang basher.

Ngunit, imbes na masindak ay ang naturang basher pa ang nabahagi ng mga larawan ng kanilang pag-uusap ni Pauleen sa social media. Matapang pa nitong saad,

“Mas okay pa makulong kesa mag public apology.”

Ngunit, ganoon na lamang ang gulat ng marami nang biglang mag-iba ang ihip ng hangin para sa naturang basher. Ilang sandali kasi matapos ang pagtatapang-tapangan nito laban kay Pauleen, sa huli ay humingi ito ng tawad sa aktres sa publiko.

Heto ang naging public apology ng basher na ito kay Pauleen:

“Ako po si Patrich Walter Harris taos pusong humihingi ng sorry sa lahat ng magulang at sa lahat ng taong nasaktan sa mga nasabi ko lalo na po sa pamilya ni Ma’am Pauleen Luna Sotto at sa lahat po ng followers, supporters, at fans nina Pauleen at Family Sotto ako ay taos pusong humihingi ng sorry sa inyong lahat.



“Ako ay nagsisisi sa mga nasabi kong mali sa inyong lahat at sana tanggapin niyo ang taos pusong paghingi ko ng sorry sa inyong lahat. Pasensya na kayong lahat. Thank you so much.”

Bagama’t nagtataka ang marami kung ano umano ang ginawa ni Pauleen upang mag-public apology sa kanila ang basher na ito, hindi maitatanggi na napahanga ni Pauleen ang publiko dahil sa pagiging kalmado raw nito sa paraan ng pagkompronta sa naturang basher.

Sa kabila ng pagiging bastos ng basher sa unang bahagi ng pakikipag-usap nito sa kanya, maayos na nasolusyonan ni Pauleen ang sitwasyon at napahingi pa ng tawad ang basher sa maling ginawa nito sa kanya at sa kanyang anak.

Source: omgbalita
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment