Sa isang social media post, ibinahagi ng aktor na si Mon Confiado ang ilan sa kanyang mga larawan kasama ang dati nitong leading lady sa international film na ‘Stateside’.
Ito ay ang Hollywood actress na si Olivia Hultgren. Maliban sa ‘Stateside’, kilala rin ang Hollywood actress sa naging pagganap nito sa mga pelikulang ‘Agent ‘ (2017) at ‘Cache Memory (2019).
“The very pretty and very professional leading lady of our film “STATESIDE” 🇺🇸, Hollywood Actress Olivia Hultgren,” ani pa ni Confiado.
Sa pelikulang ‘Stateside’ (2017), ginampanan ni Confiado ang karakter ng isang Pinoy na imigrante. Dito, nahulog ang karakter ni Confiado sa karakter na ginagampanan ng Hollywood actress.
Pagbibigay komento pa nga ni Hultgren tungkol sa kanilang pelikula,
“If you are in a place where you feel discouraged, this should give you hope.”
Ang naging director naman ng international film na ito ay si Marcial Chavez. Sa pelikula, pinuri ni Chavez ang maayos umano na pagganap ni Confiado sa kanyang karakter.
“Mon is a good actor and he was able to deliver what we wanted,” ayon pa kay Chavez.
Nayong taon naman, nakatakda ulit na gumanap sa ilan pang international films si Confiado. Ang mga ito ay kanya ring ibinahagi sa social media.
Sa direksyon pa rin ni Chavez, muling gaganap si Confiado sa isang pelikula na kinunan pa sa Amerika, ang ‘Turncoat. Dito, ang Italian actress naman na si Annaluisa Capasa ang makakasama ng aktor.
Sa social media, nagbahagi ng ilang mga larawan si Confiado habang ginagawa nila ang nasabing pelikula.
Paglalarawan pa ni Confiado sa pelikulang ‘Turncoat’,
“A mild mannered man lives a happy and quiet life with his Italian wife in LA (Los Angeles). Suddenly mysterious people telling him he was a former hitman in Manila and charging that he is someone else for whom they’ve been looking. Is this a case of mistaken identity or he has a history no one knows about? He must confront his violent past.”
Maliban sa ‘Turncoat’, magiging bahagi rin si Confiado ng isa pang international film na kinunan naman sa Pilipinas at South Korea. Ito ay ang pelikulang ‘Golden Holiday’ na ang direktor ay si Kim Bong-han.
Kagaya ng ‘Turncoat’, nagbahagi rin si Confiado ng ilang mga larawan nito habang ginagawa ang pelikula. Kasama niya rito ang mga aktor na sina Kwak Do-won, Kim Dae-myung, Kim Hee-won, Kim Sang-ho, Shin Dong-mi, at Lee Yoo-jin-I.
Saad pa sa sinopsis ng pelikula,
“The first family trip to the Philippines turns into an investigation of local murder case surrounding ’Yamashita’s Gold’. A laid-back countryside detective Byung-su (Kwak Do-won) takes his family to the Philippines for his 10th wedding anniversary. In fact, his hidden agenda is to track down his old friend Yong-bae (Kim Sang-ho) who scammed him and got away a few years ago. In Manila, Byung-su finds Yong-bae in prison for murder, and hears about the case surrounding ‘Yamashita’s Gold’. Swayed by a share of the Gold that Yong-bae offers, Byung-su suddenly becomes embroiled in the case.”
Dahil sa mga pelikulang ito ni Confiado, tumanggap ang aktor ng mga papuri galing sa mga netizen na bilib sa galing ni Confiado bilang isang aktor.
Ani ng mga ito, noon pa man ay hindi umano maikakaila ang galing at pagmamahal ni Confiado sa trabaho nito kaya hindi raw nakapagtataka ang tatlong international films na nagawa ng aktor.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment