Monday, September 7, 2020

5 Taong Gulang na Bata, Nanghiram ng Cellphone sa Kanyang Tatay Upang Umorder ng Pagkain Online



Trending ngayon ang limang taong gulang na batang ito galing General Santos City matapos itong walang paalam na umorder at magpadeliver ng pagkain sa kanila.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Angelito Respecia, wala umano itong kaalam-alam na mayroong ipinadeliver na mga pagkain ang anak niyang si Gab-gab.

Nagulat na lamang umano ito nang mayroong dumating na food delivery driver sa kanilang bahay dala ang mga pagkain na inorder ng kanilang anak online.

“When he borrowed your phone and suddenly food panda came knocking at your door,” ani pa ni Respecia.


Ayon kay Respecia at sa asawa nitong si Michelle, wala umano silang kaalam-alam na umorder pala ng pagkain ang kanilang anak nang hiramin nito sa kanila ang kanilang cellphone.

Abala raw kasi ang mga ito sa paglilinis ng bahay. ‘Yun pala, abala din ang kanilang anak sa pagpili ng pagkaing ipapadeliver.

Sa kanyang Facebook post, makikita na umorder si Gab-gab ng pagkain na umabot lang naman sa Php 1,147 ang halaga. Kabilang sa mga inorder nito ay dalawang buko juice, tatlong teriyaki chicken,  dalawang bihon guisado, walong sweet and spicy chicken, at isang Cappuccino shake.


Agad naman na naging trending ang Facebook post na ito ni Respecia kung saan umabot na nga sa mahigit 32,000 ang mga reaksyon dito ng mga netizen na karamihan ay natatawa. Maging ang mga shares ng naturang Facbook post ay umabot na rin sa mahigit 21,000.


Hindi mapigilan ng mga netizen na matawa sa Facebook post na ito ni Respecia na napagastos umano ng wala sa oras. Kahit na hindi nagpaalam sa magulang, natawa pa rin ang mga ito sa ginawa ng batang si Gab-gab.

Ani pa ng mga ito, okay lang umano ang nangyari kasi ang ‘cute’ pa rin umano ni Gab-gab na talagang napaka-inosente umano sa kanyang ginawa.

Heto pa ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens tungkol dito:

“SMART KIDDO! Atleast pagkain ang inorder nya… thoughtful nga nya eh hihihi”

“Ang cute naman… Imbes na magalit ka, parang gusto mo na lng kurutin sa sobrang cute…”

“Iba na talaga mga bata now, mas techy pa sa matatanda. Madali matuto kahit sa panonood lang kaya dapat kids friendly ang mga app.”

“Instant food trip ang family ni baby!”


“Naku katakot iwan phone natin. Pano kung wala tayong pera tas bigla may nag deliver huhuhu”

Sa comment section ng Facebook post na ito ni Respecia, kabi-kabilang babala sa mga magulang ang ibinabahagi ng mga netizen at baka raw mangyari rin daw ito sa kanila.


Hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong batang walang paalam na mayroong inorder online. Minsan, naging trending na rin sa social media ang isang bata na umorder naman ng laruan sa isang online shop.

Dahil sa mga ito, payo ng mga netizen sa mga magulang ay mas bantayan pa umano ang mga bata o kanilang mga anak sa kanilang paggamit ng cellphone o di kaya ay ‘wag na lamang itong iwan na mag-isang gumagamit ng cellphone.

Source: facebook
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment