Tuesday, September 29, 2020

BREAKING: Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, May Anunsyo Mamaya sa TV Patrol


Ayon sa ibinahaging Twitter post ng reporter na si MJ Felipe, mayroon umanong eksklusibong anunsyo mamaya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa TV Patrol.

“EXCLUSIVE: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla to make an announcement tonight on TVPatrol,” tweet pa nga ni MJ.

Dahil sa tweet na ito ng reporter, agad naman na naglabas ng reaksyon ang mga tagasuporta ng dalawa na abang na abang na sa anunsyo nilang ito. Naglabasan agad ang iba’t-ibang mga spekulasyon kung tungkol saan ang anunsyong ito nina Daniel at Kathryn.

Hinala ng marami, may kinalaman umano ang anunsyong ito ng Kathniel sa mga misteryosong Instagram posts ng kanilang mga nanay noong nakaraang mga araw. 

Kung matatandaan, umani ng iba’t-ibang mga spekulasyon ang ibinahaging IG posts nina Karla Estrada at Min Bernardo na mayroong kinalaman sa kasal. 

Mayroong iba na nagsasabing kahit imposible, baka raw ikakasal na sina Kathryn at Daniel na walong taon na rin ang relasyon.

Ngunit, mas nangingibaw ang mga spekulasyon na mayroon itong kinalaman sa bagong proyekto na gagawin ng Kathniel. Maaari umanong baka mag-asawa o di kaya ay ikakasal ang dalawa sa bagong proyekto na pagsasamahan ng mga ito.

Kasabay nga ng Twitter post na ito ni MJ tungkol sa nakatakdang anunsyo mamaya ng Kathniel ay ang pagiging trending naman ng #KathnielSitcom. Sigurado umano ang mga ito na tungkol dito ang magiging anunsyo ng dalawa.

Gayunpaman, inaabangan pa rin ng marami kung ano ang bagong handog na ito ng Kathniel at excited na ang mga tagahanga at tagasuporta ng mga ito na muling makita ang dalawa na magkasama sa isang proyekto.


Nakasuporta lamang umano palagi ang mga ito sa dalawa at tiwala ang mga ito na makabubuti sa dalawa ang bagong proyekto na pagsasamahan ng mga ito.

Heto pa ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizen tungkol sa nakatakdang anunsyo na ito ng Kathniel mamaya.

“Para ito sa #KathNielSitcom wag nyo kaming lituhin hahaha. Pero deep inside gusto ko in real life na hehe.”

“I think it's a sitcom. Kasi if it's kasalan then the picture is an obvi spoiler.”

“MAG AABANG KAMIII KAHIT ALAM NAMIN NA SA SITCOM YAAAN!!!!”

“Puro kasi kayo tanong ng kasal tuwing interview nila kaya ayan nang-aasar na sila HAHAHAHA”

“Yeeeheeeyy sasabihin na nila kung kailan ipapalabas ‘yong sitcom nila na sana every Saturday. Sa wakas makikita ko na ulit sa TV ang KathNiel.”

“New sitcom ng Kathniel sa Kapamilya Channel. Unahan ko na kayo hahahahahaha.”

“OMG! Kahit alam namin na sa sitcom lang ‘yan! Mag aabang pa din ako!! AYAW NA KUMALMA NG PUSO KO!”

Matapos lamang ang mahigit isang oras matapos magtweet ni MJ Felipe tungkol sa nakatakdang anunsyo na ito mamaya ng Kathniel, umani na agad ito ng mahigit sa pitong libong (7000) likes at mahigit sa tatlong libong (3000) pinagsamang retweets at quote retweets.


Sa ngayon, nag-aabang na ang mga Kathniel fans para sa opisyal na anunsyong ito nina Daniel at Kathryn mamaya sa TV Patrol kahit mayroon na umano silang hinala o ideya kung tungkol saan ang anunsyong ito ng loveteam at real life couple. 

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment