Monday, December 28, 2020

K4bit, Matapang na Inaatake ang Legal na Misis na Dumaranas ng Postpartum Depression

Minsan nang naging trending sa social media ang ginawang pagbabahagi ni alyas Tawing sa kataksilan ng kanyang asawa at ng kabit nito. Iniwan sila nito ng kanyang kambal na anak at ang kanyang ipinagbubuntis na bunso para sa kabit nito na siya pang may tapang na komprontahin si Tawing.

Kamakailan lang, pinaghahanap ng kanyang mga kamag-anak si Tawing matapos daw nitong umalis at hindi agad bumalik. Iniwan nito ang kambal na anak at bunso nito at umalis lamang kaya labis ang pag-aalala rito ng kanyang mga kamag-anak.

Isang araw matapos nito ay ipinaalam ng kapatid ni Tawing sa pulisya na nakauwi na ito sa kanila matapos na ihatid doon ng isang lalaking nagngangalang Edwin. Labis naman ang pasasalamat dito ng pamilya dahil ligtas na nakauwi sa kanila si Tawing.

Ngunit, nag-aalala ang mga ito sa kondisyon ni Tawing na umano’y hindi nila makausap nang maayos. Hindi rin daw nito kinakarga ang mga anak na dulot ng lumalala na umanong depresyon na pinagdaraanan ni Tawing. Ang depresyon niyang ito ay dulot ng matindi niyang pinagdaanan sa buhay may asawa gaya na lamang ng pagtataksil sa kanya ng kanyang mister at pakikipag-alitan sa kanya ng kabit nito.

Kapapanganak pa lamang ni Tawing sa bunsong anak nito na nabuo kahit hindi maayos ang relasyon niya sa kanyang taksil na asawa na kanya pa ring tiniis para sa kanyang mga anak. Dumaranas umano ito ngayon ng postpartum depression kaya marami ang ngayon ay nag-aalala rito.

Ngunit, kahit sa kondisyong ito ni Tawing ay hindi pa rin tumitigil ang kalaguyo o kabit ng kanyang asawa sa pag-atake rito. 

Sa isang Facebook post, tinawag lang naman nitong ‘baliw’ si Tawing at hindi raw ito naniniwala sa depresyong pinagdadaanan nito ngayon. Dati pa raw ay ‘baliw’ na si Tawing at hindi raw totoo ang mga ibinabahagi nito sa social media.


Dagdag pa ng naturang kabit, nagpapasikat lamang umano si Tawing o nagdadrama upang sumikat. Ang mas malala pa dito, ang mga pahayag na ito ng naturang kabit ay sinuportahan pa ng kanyang mga kaibigan.

Kaya naman, inatake ng pambabatikos ng mga netizen ang matapang na kabit na umano’y ang lakas pa ng loob na magtapangtapangan gayong ito na nga umano ang sumira ng isang pamilya.

Habang nag-aalala ang marami para sa kondisyon ngayon ng legal na misis na si Tawing, nanggagalaiti rin ang mga ito para sa kabit na walang konsensya at walang anumang bahid ng pagsisisi sa malaking kasalanan na nagawa nito hindi lamang kay Tawing kundi pati na rin sa mga anak nito.

Dasal ngayon ng maraming mga netizen na bumuti ang lagay ni Tawing at malampasan nito ang pinagdadaanang depresyon. Para naman sa matapang nitong kabit, sana raw ay makarma ito o mabigyan ng kaparusahan pati na rin ang nagtaksil na asawa ni Tawing.



“It's a heartbreaking story. I wish you more strength for your children. Pls dont go back to your husband. Know your worth. You're beautiful and you don’t deserve such a useless man. Be strong and love your children. They need you and they are the ones who love you unconditionally,” nag-aalalang payo pa nga rito ng isang netizen.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment