Wednesday, September 30, 2020

CONFIRMED: Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago, In A Relationship na!


Matapos ang pagkalat at pagiging viral ng mga larawan ng aktres na si Jodi Sta. Maria at ng aktor na si Raymart Santiago na magkasama, kinumpirma umano ng aktor sa isang malapit nitong kaibigan na mayroong namamagitan sa kanila ni Jodi.

“Hindi nag-deny ang aming bunso sa grupo na si Raymart Santiago nang may lumabas na picture nila ni Jodi Sta. Maria na talagang napaka-sweet talaga,” pagkukumpirma pa nga ng showviz insider na si Noel Ferrer.

Bago ito, sa parehong araw ay lumitaw at nagviral ang mga larawan ng dalawa na magkasama kung saan, makikita ng pagiging sweet ng mga ito sa isa’t-isa.

Ayon sa ulat, nakunan umano ang naturang mga larawan sa isang pribadong lugar sa Ayala Alabang. Makikita rito na mayroong pagdiriwang na nagaganap ngunit hindi malinaw kung ano ito.


Ang aktres umano na si Jodi ang naghanda ng naturang selebrasyon para kay Raymart. Dito, makikita  ang dalawa sa ilang mga larawan na magkayakap sa isa’t-isa at komportableng magkatabi. Dahilan ito para lumabas ang mga spekulasyon na mayroong relasyon ang dalawa.


Kaya naman, nang lumabas ang balita na kumpirmado ngang mayroong relasyon sina Raymart at Jodi, marami ang natuwa at nagpahayag ng suporta para sa mga ito.

Ayon sa mga ulat, nagsimula umano ang relasyon ng dalawang personalidad nito lamang buwan ng Abril. Ngunit, noong nakaraang taon pa lamang umano ay nililigawan na ni Raymart si Jodi.

Sina Jodi at Raymart ay parehong ikinasal sa mga dati nilang karelasyon at nagkaroon ng anak. Ang 38 taong gulang na si Jodi ay dating ikinasal kay Pampi Lacson habang si Raymart naman, 47 taong gulang, ay ikinasal noon sa aktres na si Claudine Barretto.


Huling napabalita na nakarelasyon ng aktres ay si Cavite Vice Governor Jolo Revilla noon pang 2018 at ikinasal na rin ito ngayon sa iba. Matapos nito, wala nang naiulat na naging ibang karelasyon si Jodi.

Ang anak naman ni Jodi sa dating asawang si Pampi ay 14 na taong gulang na ngayon, si Thirdy. Maayos naman ang relasyon ni Jodi sa dating asawa nito.

Sa kabilang banda, si Raymart naman ay nagkaroon umano ng relasyon kay Ayala Corporation executive AC Legarda na pinsan ng dating senador Loren Legarda. Ngunit, nito lamang umanong Enero ay naghiwalay din ang dalawa.

Mayroong dalawang anak sina Raymart at Claudine, sina Santino at Sabina. Hindi naging maganda ang naging proseso ng hiwalayan ng dalawa at wala ring nabanggit ang mga ito kung pormal nang annuled ang kanilang kasal.

Parehong naging tahimik at pribado sina Raymart at Jodi sa kanilang mga nakarelasyon kaya hindi nakapagtataka kung bakit pribado rin ang naging relasyon ng mga ito ngayon sa isa’t-isa. Gayunpaman, masaya ang marami sa kumpirmasyong ito tungkol sa dalawa.


Sa ngayon, hiling lamang ng mga tagasuporta at kaibigan nina Jodi at Raymart na maging masaya ang dalawa sa relasyon nila ngayon. Dagdag din ng mga ito, maging masaya rin daw umano para sa dalawa ang mga taong nakapaligid sa kanila at kanilang mga tagasuporta.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment