Isang linggo bago ang naganap na guesting nina Derek Ramsay at kanyang girlfriend na si Andrea Torres sa programang Mars Pa More ng GMA, naibahagi ng aktor na isinugod daw ito sa ospital dahil sa UV light.
Kwento ni Derek, napansin niya raw kasi na mukhang mayroong problema sa UV light nito sa kanyang bahay kaya sinubukan niya itong ayusin.
Ngunit, dahil tiningnan niya umano ang UV light sa kabila ng babala sa kanya ni Andrea na huwag itong titingnan, nagresulta ito sa pagsugod sa kanya sa emergency room.
“Mayroon akong UV light dito sa bahay… just to be safe, kill the virus. So I decided to turn on my UV light. Tapos, nakita ko parang nagfi-flicker siya so inayos ko,” paunang kwento pa ni Derek.
Sumingit naman si Andrea sa kwentong ito ni Derek at sinabing,
“Bago niya ayusin, sumigaw pa ako. ‘Babe, ‘yung mata mo, ha. Wag mong titingnan, ha’.”
Ngunit, sa kabila ng babalang ito ni Andrea, tiningnan pa rin umano ni Derek ang UV light.
“Edi ang ginawa ko, tiningnan ko,” natatawang ani pa ni Derek tungkol sa kanyang ginawa.
Ayon naman kay Derek, sandali lamang niya itong tiningnan na marahil ay humigit kumulang isang minuto lamang. Nangyari umano ito bandang alas syete (7) ng gabi.
Noong una, wala naman umanong naramdaman si Derek sa kanyang mata at nanood pa nga umano sila ng palabas si Andrea sa Netflix. Normal lang din umano silang naghapunan nito.
Ngunit, nang madaling araw umano ay bigla na lamang hindi maidilat ni Derek ang kanyang mga mata.
“Mga 2 am, hindi ko na maidilat 'yung mata ko. Talagang they were burning.
“So ayoko naman siyang (Andrea) gisingin. I went to the bathroom, naghugas ako ng mata. It got worst. And then it just got worst and worst,” ani pa ni Derek.
Napilitan na umano ito na gisingan ang natutulog na si Andrea at itinakbo na nga nito ang aktor sa ospital. Bago ito, nilagyan pa umano ni Andrea ng eyedrop si Derek ngunit mas lumala lang umano ang pakiramdam nito at napasigaw pa sa sakit.
“Doon ako nagpanic kasi ‘yung eyedrops na binigay ko, wala namang anything. Hindi siya ‘yung maanghang. ‘Pag try ko sa sarili ko tapos wala akong na-feel, as in parang tubig lang, eh sumigaw siya. Ayun, itinakbo ko na,” pagkukwento naman ni Andrea.
Na-touch naman ang host na si Camille Prats sa ginawang ito ni Andrea na umano’y kahit nakita niya nang napasigaw si Derek dahil sa naturang eyedrop, walang pagdadalawang isip niya pa rin itong sinubukan sa sarili.
“That’s love, diba? Nakita niya na ngang nasaktan ka, ginawa pa rin niya sa sarili niya,” ani pa nga ni Camille sa dalawa.
Dagdag naman ni Derek, alam niya umano na ang unang babala talaga ay huwag tumingin sa UV light kaya aminado na din ito na mayroon siyang kasalanan. Kinumpirma din umano ng mga doktor na ang ginawa niyang ito ang dahilan ng naramdaman niyang sakit sa kanyang mata.
Ayon sa mga eksperto, ang matagal na pagkaka-expose sa UV light ay maari umanong magresulta sa photokeratitis at maaring magdulot ng iritasyon, panlalabo ng paningin, kirot, at pamamaga.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment