Wednesday, September 2, 2020

Ed Sheeran, Isa Nang Ganap na Tatay!



Nito lamang Martes, sa unang araw ng Setyembre, inanunsyo ng sikat na international singer na si Ed Sheeran na isa na itong ganap na tatay.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ni Ed Sheeran na isinalang na nga ng kanyang misis na si Cherry Seaborn ang kanilang panganay na babae noong nakaraang linggo. Ipinakilala rin ni Sheeran ang magandang pangalan ng anak nilang ito na si baby Lyra Antarctica Seaborn Sheeran.

“Ello! A quick message from me as I have some personal news that I wanted to share with you... Last week, with the help of an amazing delivery team, Cherry gave birth to our beautiful and healthy daughter - Lyra Antarctica Seaborn Sheeran,” ani pa ng ‘Thinking Out Loud’ singer.

Dagdag pa ni Sheeran, nasa maayos na kondisyon umano ngayon ang kanyang mag-ina at walang mapagsidlan ang kanilang tuwa sa pagdating ng kanilang panganay. Maliban dito, hiniling din ni Sheeran sa publiko na bigyan muna sila ng ‘privacy’ ng mga ito. Saad pa nito,


“We are completely in love with her. Both mum and baby are doing amazing and we are on cloud nine over here. We hope that you can respect our privacy at this time. Lots of love and I’ll see you when it’s time to come back, Ed x.”

Dahil sa anunsyong ito ng singer, bumuhos agad ang mga pagbati para rito mula sa kanyang mga kaibigan at mga tagasuporta sa buong mundo.

Kung matatandaan, buwan ng Agosto nang maiulat sa publiko ang balitang magkakaroon na ng anak sina Sheeran at ang misis nitong si Cherry. Ikinatuwa naman ng publiko ang balitang ito kaya nag-abang din ang mga ito ng balita sa tuluyang panganganak ni Cherry sa kanilang panganay.


Noong Enero ng 2018 nang maging engaged ang English singer sa kanya na ngayong misis. Sa parehong taon din ay napabalita na ikinasal na ang mga ito sa isang pribadong ‘tiny winter wedding’ na seremonya. Ayon sa ulat, gusto daw ng singer na maging pribado ang kanyang kasal na dinaluhan lamang ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya.


“Got myself a fiancé just before new year. We are very happy and in love, and our cats are chuffed as well xx,” pag-aanunsyo pa dati ni Sheeran sa kanyang engagement.

Ngunit, alam mo ba na unang nagkakilala si Cherry at ang singer noong 11 taong gulang pa lamang ang mga ito? Ito ay dahil parehong pumasok sa parehong paaralan ang dalawa.

Sa kabila nito, nagsimula lamang umusbong ang kanilang relasyon noong taong 2015 kung saan, muli silang nagkita sa pamamagitan ng isang kaibigan.

Bagama’t nirerespeto ng mga tagasuporta ni Sheeran ang pribadong buhay ng singer, hinihintay pa rin ngayon ng publiko na ipasilip ni Sheeran si baby Lyra Antarctica sa kanyang mga fans sa buong mundo.


Excited na ang mga ito na makilala sa wakas si baby Lyra Antarctica.

Ngunit, habang hindi pa ito nangyayari, hiling ng mga ito ang kasiyahan ng singer sa bagong kabanata na ito sa kanilang buhay ng kanyang asawa.


Source: rsvplive

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment