Saturday, September 26, 2020

Isang Flight Attendant, Natanggal sa Trabaho Dahil sa Ginawa Ritong Marriage Proposal sa Eroplano


Marami ang kinilig sa viral video na ito ng kakaibang marriage proposal ng isang lalaki sa girlfriend nitong isang flight attendant. Walang kaalam-alam ang babae sa marriage proposal ng kanyang boyfriend na nangyari habang nasa eroplano. 

Sa naturang video, makikita ang biglaang pagluhod ng isang lalaki hawak ang isang singsing sa harapan ng isang flight attendant. 

“I really didn’t know that my boyfriend would be proposing to me on this flight. Thanks for being my witness,” ani pa ng flight attendant tungkol sa nangyari.

Ngunit, ikinatuwa man ng flight attendant at ng mga nakasaksi nito ang nakakakilig na pangyayari, hindi naman nasiyahan dito ang kompanya o airline na kanyang pinagtatrabahuan.

Ayon sa ulat, matapos makita ng kompanya ang viral video ng isa sa kanilang mga flight attendant na ito, nagdesisyon umano sila na sibakin ito sa trabaho. 

Ang ginawa raw kasi nitong pagtanggap sa naturang wedding proposal sa gitna ng trabaho at lumilipad na eroplano ay maaaring makaapekto sa kaligtasan ng mga pasahero.

Sa opisyal na pahayag na inilabas na ng China Eastern Airlines, ang airlines na pinagtatrabahuan ng naturang flight attendant, maituturing umanong iresponsable ang ginawa nito na nakapagdulot ng ‘disturbance’ sa mga pasahero.

Inilarawan umano ng kompanya ang nangyari bilang ‘extremely irresponsible for the safety of passengers’ at ‘private romantic behavior caused turmoil among passengers’.


Ang naturang marriage proposal ay nangyari mahigit isang oras matapos magtake-off ang eroplanong kanilang sinasakyan mula Xi An papuntang Yinchuan sa China.

Halu-halo naman ang naging reaksyon ng publiko tungkol sa ulat na ito. Mayroong iba na pumanig sa flight attendant at sinabing hindi raw tama ang ginawang pagsibak rito, habang ang iba naman ay umayon sa ginawa ng airline.

Ayon sa ibang mga netizen, masyado umanong ‘inhuman’ ang ginawang desisyon ng kompanya dahil lamang sa ginawang wedding proposal sa flight attenadant. Masyado umanong malala o hidni makatarungan ang naging parusa nila rito na agad na pagkatanggal sa trabaho.

“Actually there are two faces to this coin but I stand with the idea that firing her was inhuman… Simple,” ani pa ng isang netizen tungkol dito.

“Why fire her? She didn’t do a thing to ‘hamper’ safety. She didn’t plan the proposal & it was a fun moment for all the passengers,” dagdag opinyon pa ng isang netizen.

Sa kabilang banda, sang-ayon naman umano ang ilan sa ginawa ng China East Airlines sa naturang flight attendant dahil ang naturang mga bagay ay hindi umano dapat na ginagawa sa publiko at lalong lalo na sa gitna ng trabaho.

“Great job! No tolerance for people who purposefully create public spectacle for something that should be done in private. Both could have done it in private rather than in line of duty. Everything has its place,” saad pa ng isang netizen na nasa panig ng airline.


“Before the plane takes off, it is important to evenly distribute the weight of the baggage and passengers in the plane… A disturbance like that of a marriage proposal may cause passengers to unfasten seat belts and move to different places in the plane. This, in turn, may affect the plane’s balance and air flow,” paliwanag naman ng isa pa sa ginawa umanong rason ng airlines.


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment