Marami ang humanga sa isang lalaki na ito na nakunang nag-aaral sa sa isang kalye sa San Juan City sa Maynila. Ayon sa kumuha ng naturang litrato, maaaring naninirahan umano sa kalye ang naturang lalaki ngunit hindi ito naging hadlang upang gustuhin nito na matuto.
Sa naturang larawan, makikita ito na nakaupo sa kalye kung saan nakapalibot sa kanya ang ilang mga libro. Kita sa nasabing larawan kung gaano ito kapokus sa pag-aaral at pagsusulat.
Nakunan umano ang naturang larawan sa isang sidewalk ng Blumentritt street sa San Juan City, Maynila.
Kumalat naman agad ang larawan ng lalaking ito na talagang nagpahanga sa mga netizen. Ayon sa mga ito, sana raw ay mabigyan ng pagkakataon ang nasabing lalaki sa edukasyon dahil sa kabila ng katayuan nito sa lipunan, mayroon umano itong pagpapahalaga sa pag-aaral.
Image Credit: Philippine Star |
Hiling ng marami na sana raw ay magsumikap pa ang naturang lalaki at malampasan ang mga pagsubok na ibinabato dito tulad ng kahirapan. Sana raw ay magtagumpay ito sa buhay at patunayan sa lahat na kaya nitong maabot ang kanyang mga pangarap.
Bagama’t nakakalungkot umano na karamihan sa mga street-dweller katulad ng naturang lalaki ay napagkakaitan ng edukasyon, nakakaantig umano na makakita na mayroon pa ring nagsusumikap sa mga ito at hindi sumusuko sa buhay.
Sana araw ay mayroong mag-abot ng tulong dito o di kaya ay mayroong ahensya ng gobyerno na lumapit sa kanya at bigyan ng pagkakataon ang kanyang pangarap.
Totoo ngang hindi hadlang ang kahirapan o walang imposible sa isang tao na nagsusumikap matuto kahit na hindi ito nabiyayaan ng magandang katayuan sa buhay at kapaligiran.
Image Credit: Philippine Star |
Hindi umano lahat ng katulad ng naturang lalaki ay nagkakaroon ng determinasyon na mag-aral o mag-self study dahil nga sa kondisyon na mayroon sila ngunit, iba umano ang lalaking ito na nangingibabaw pa rin ang kagustuhan na matuto.
Sana araw ay ipagpatuloy lamang ng naturang lalaki ang ginagawa nito dahil naniniwala umano sila na kapag ipinagpatuloy nito ang kanyang pagsisikap, walang duda na magtatagumpay raw ito sa buhay.
Heto pa ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen tungkol sa nakakamanghang lalaki na ito:
“Learners shoud not be discriminated whatever their status/way of living. Don't make it a hindrance to learn of whatever kind of setbacks. Go on and show them you are awesome!”
“Good for him. Success is not dictated by present circumstances in life. He could be very successful in the future. He just needs a little help from all.”
Image Credit: Philippine Star |
“I wish someone will give him books and the necessary tools for learning. Admirable.”
“Kung bawat mayayaman (‘yong sobrang yaman talaga) ay magpapaaral sana ng kahit lima lang na studyante. Ang dami kasing matalino na bata na hindi sinwerte makapag-aral.”
“It breaks my heart seeing scenes like this… but, I admire the spirit, the determination.”
“Nakaka-inspire naman ‘to. Kapag gusto mong matuto gagawa ka taalga ng way kahit pa anong sitwasyon at katayuan mo sa buhay. God bless you, kuya.”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment