Hindi rin nakaligtas ang aktres at dancer na si Ella Cruz sa mga nagkalat na fake news ngayon sa social media. Dito, inaakusahan ng mga netizen na buntis umano si Ella kahit hindi naman.
Nagsimula ang lahat ng ito noon pang Enero ng kasalukuyang taon matapos na magbahagi ni Ella ng isa niyang dance cover.
Maliban sa pagiging isang magaling na aktres, kilala rin si Ella sa galing nito sa pagsayaw at sa paggawa nito ng iba’t-ibang mga dance cover. Ang mga dance cover videos niyang ito ay talagang nagpapahanga sa mga netizen na madalas ay nagte-trending sa social media.
Ganito rin ang nangyari sa inilabas na dance cover ni Ella ng K-pop song na ‘Psycho’ ng girl goup na Red Velvet. Ngunit, maliban sa ganda ng dance cover na ito ni Ella, mayroong napansin dito ang mga netizen na dahilan ng pagte-trending nito.
Dahil madalas ay seksing mga damit ang sinusuot ni Ella na nagpapakita ng kanyang magandang katawan, agad napansin ng mga netizen na mayroon umanong nagbago sa katawan ng dancer partikular na sa tiyan nito.
Ayon sa mga netizen, bahagyang lumaki umano ang tiyan ni Ella na animo’y parang buntis. Kaya naman, spekulasyon agad ng mga ito, nagbubuntis umano si Ella.
“Iba ang taba sa buntis kasi talagang kokorte at kokorteng buntis tiyan mo. Halata sa’yo Ella,” ani pa nga ng isa sa mga netizen.
Ang isyung ito ay agad naman na itinanggi ni Ella at idiniin na hindi totoong buntis ito dahil lamang sa bahagyang paglaki ng kanyang tiyan.
Sarkastikong ani pa ni Ella, hindi ba umano pwedeng naparami lamang ang kain niya noong bagong taon at pasko kaya mayroong maliit na pagbabago sa kanyang tiyan.
“KAKATAPOS LANG NG PASKO AT BAGONG TAON. Hindi ba pwedeng busog lang? Tsk,” saad pa ni Ella tungkol sa pinapakalat sa kanyang isyu.
Ayon sa aktres at dancer, hindi niya umano maintindihan kung bakit ang bilis maghusga ng mga tao lalo na sa kanilang mga katawan. Ang mas malala pa raw dito, maliban sa panghuhusga ay gumagawa pa ang mga ito ng mga isyu.
Komportable umano si Ella sa kanyang katawan kaya confident ito na magpakita ng balat sa kanyang mga dance cover. Ngunit, dahil umano sa mga ‘body shaming comment’ na natatanggap nito, nakaapekto umano ito sa kanyang nararamdaman.
Kaya naman, ang hiling ngayon ni Ella sa mga netizen, sana raw ay itigil na ng mga ito ang body shaming o ang pagiging mapanghusga sa tao. Ani pa ni Ella,
“I feel confident with my body that’s why I posted the video but people body shaming me saying ‘Tumaba ka’ ‘Buntis ka ba’ makes me feel bad about myself…
“STOP BODY SHAMING! Or more like STOP SAYING NEGATIVE THINGS TO OTHERS.”
Imbes raw na magtulungan na lamang upang iboost ang kanya-kanyang confidence, bakit kailangan umano na magsabi pa ang mga ito ng negatibong mga bagay.
“It is depressing! Everyone’s trying their best tapos all these people do is look for the negative side! Why not help them boost their confidence? Spread positive vibes. Masarap buhay ng ganun (it feels good to live that way),” dagdag pa ni Ella.
Dahil naman sa ipinakalat na isyu na umano’y nagbubuntis si Ella, ‘to the rescue’ agad ang kanyang tatay na gumawa rin ng kaparehong dance cover na ginawa ni Ella. Ngunit, sinadya ng kanyang tatay na ipakita sa video ang kanyang mala-buntis sa laki na tiyan.
“Ginalit n’yo papa ko. Eto daw ang buntis,” saad pa rito ni Ella.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment