Saturday, September 19, 2020

Janella Salvador, Halata ang Pagbubuntis sa Isang Video ng Panayam Dito


Sa pagputok ng isyu at mga haka-haka na umano’y buntis nga ang aktres na si Janella Salvador, pinagdudugtong-dugtong ng publiko ang ilan sa mga maaari umanong patunay na nagdadalang tao nga ang 22 taong gulang na aktres.

Isa ngayon sa isinasaad ng mga ito na patunay na buntis si Janella ay ang halata umano na pagdagdag ng timbang ni Janella nang makapanayam ito ni Toni Gonzaga sa kanyang online show na ‘I Feel U’. Naipalabas ang episode na ito ng guesting ng aktres halos dalawang buwan na ang nakararaan.

Dito, kasama ni Janella na naging panauhin ay si Joshua Garcia. Ayon sa mga netizen, kapansin-pansin umano dito ang pagkakaroon ni Janella ng mas ‘chubby’ na mga pisngi. Ibang-iba umano ito sa karaniwang ‘cheeks’ ni Janella noong nakaraang mga buwan at sa mga larawan.

Maliban dito, maging ang mga braso ni Janella ay napansin din umano ng mga netizen ang paglaki. Bagama’t hindi nakikita ang tiyan ng aktres, ayon sa mga ito ay tinatakpan lamang umano ito ni Janella ng unan.

Habang nasa panayam, nasa kama rin umano si Janella dahil kita sa kamera ang headboard ng kama nito. Kung totoo man ang spekulasyon na pagbubuntis ni Janella, nagpapahinga umano ito sa naturang kama.

Dahil sa mga detalyeng ito na napansin ng mga netizen, mas lumakas pa ang paniniwala ng mga ito na buntis ang aktres lalo na’t hanggang ngayon ay wala pa rin itong ibinabaging pahayag tungkol sa naturang isyu.


Bago pumutok ang isyu na ito, ilang raw lamang ang lumipas ay magkasabay na kinumpirma nina Janella at Markus Patterson ang kanilang relasyon sa publiko. Ito ay matapos ang halos isang taon na pagiging pribado at hindi pagkumpirma ng mga ito sa kanilang relasyon.

Matapos nito, agad na pumutok ang haka-haka at mga spekulasyon na umano’y buntis ang aktres at nasa United Kingdom ngayon kasama ang boyfriend.

Sa isang Instagram live video kasi na ibinahagi ni Markus, maririnig ang boses ng isang babae na umano’y kay Janella. Ang sinabi rito ni Janella ay nagpalakas pa sa spekulasyon ng publiko tungkol sa kanyang pagbubuntis.

“I almost jumped and that’s not good. I’m not allowed to jump,” ani pa rito ni Janella.

Ilang araw lang din ang nakakaraan, lumipad papuntang UK ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio kasama ang nakababatang kapatid ng aktres.

Bagama’t hindi nito direktang tinukoy kung saan sila pupunta, sa isang video na ibinahagi ni Jenine sa social media ay makikita ang nakababatang kapatid ni Janella na nakikipaglaro kay Markus sa labas ng isang bahay. Hindi man kita sa video si Janella, kumpirmado umano na si Jenine ay nasa bahay nina Markus sa UK.


Sa isa ring ulat na inilabas kamakailan lang, kinumpirma umano sa kanila ng isang source na buntis nga si Janella at nakatakda nang manganak ngayong darating na Oktubre. Dagdag pa umano ng source na ito, ang pagbubuntis na ito ni Janella ay alam umano ng kanyang mga malalapit  na kaibigan.


Panoorin ng buo ang video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment