Saturday, September 19, 2020

Isang Tatay na Nagsisikap Maghanapbuhay sa Kabila ng Sakit, Inulan ng Tulong Mula sa mga Netizen


 “Pag may nakita kayo na gan'to at may extra naman kayo, just buy.”

Ito ang naging simpleng mensahe ng isang netizen sa social media kalakip ng isang larawan ng isang lalaki na mayroong mga nakasabit na kaunting mga panindang pagkain sa kanyang damit at hawak sa kanyang kamay.

Sa naturang larawan, mahahalata ang hindi maayos na kalagayan ng pamumuhay ni tatay at mahihinuha ang ginagawa nitong pagsisikap na maitawid kahit papaano ang kanyang pang araw-araw.

Kaya naman, agad na naging trending ang Facebook post na ito ng netizen na si Daryl Bontia. Dito, agad na nagpahayag ang ilan pang mga netizen na nais makilala si tatay at makapag-abot dito ng tulong.

Ayon kay Bontia, si tatay umano na nasa naturang larawan ay 62 taong gulang na ngunit, naghahanap buhay pa rin upang mayroong pambili ng makakain at pambili ng kanyang gamot dahil mayroon din itong sakit.

Nakikitira lang rin umano ito sa kanyang mga kaibigan dahil isang beses sa isang taon lamang sila kung magkita ng kanyang misis. Wala rin umano silang anak nito kaya naman mag-isa lamang sa buhay si tatay.

Nakatira umano ito ngayon sa Rosario sa Pasig City.


“Si tatay po ay 62 years old, mag-isa sa buhay, nakikittira at nakikitulog sa kaibigan. Wala daw po siyang anak at ang asawa nya naman ay namamasukan pong katulong at once a year lang sila kung magkita ng kanyang asawa… 


 “May sakit din si tatay kaya naghanap buhay siya pambili ng pagkain at gamot,” pagbabahagi pa ni Bontia.

 Dagdag kwento pa ni Bontia, ayaw daw ni tatay na manlimos o umasa lamang sa panghihingi ng tulong sa iba. Ayon daw kasi kay tatay, minsan ay nakakarinig siya sa mga tao na nagsasabing bakit daw namamalimos ang isang tao kung malakas pa ito. 

 Kaya naman, sinisikap umano ni tatay na maghanapbuhay kahit minsan ay inaabot daw ng tatlong araw na hindi siya nakakakain at tubig lamang ang iniinom.

 Matapos maging viral ng Facebook post na ito ni Bontia, agad umano na nagpaabot ng mga tulong para kay tatay ang mga netizen sa pamamagitan niya. Hindi umano ito inaasahan ni Bontia kaya naman labis ang pasasalamat niya sa mga ito para kay tatay.

Kaya naman, agad nitong binalikan si tatay at hinanap kung saan ito nakatira. Dito, ibinahagi ni Bontia ang magandang balita para kay tatay.

Ayon kay Bontia, naisama niya umano si tatay sa pamimili ng mga tulong nito sa kanya at ng kanyang mga pangangailangan. Naibigay niya na rin umano kay tatay ang mga tulong na ipinapaabot dito ng iba pang mga netizen.


“Maraming salamat po sa lahat ng nag share at tumulong kay tatay, pati na din sa lahat ng tutulong palang kay tatay maraming salamat po, hindi ko po inaasahan na madami makakapansin sa post ko, MARAMING MARAMING SALAMAT PO,” ani pa ni Bontia.

Sa mga nais na maghatid din ng tulong kay tatay, maaari umano nilang kontakin si Bontia o di kaya ay ihatid na lamang ng mga ito ang kanilang tulong kay tatay mismo.

Source:  facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment