Friday, September 18, 2020

Janella Salvador, Kumpirmado raw na Buntis at Nakatakdang Manganak Ngayong Oktubre


Sa isang ulat na inilathala ng pep.ph nito lamang ika-18 ng Setyembre, isang maaasahang source umano ang nagkumpirma sa kanila na totoong nagbubuntis ang aktres na si Janella Salvador at nakatakda nang manganak ngayong Oktubre.

Dagdag pa sa ulat, ang tungkol sa kanyang pagbubuntis ay alam na rin umano ng kanyang mga malalapit na kaibigan sa showbiz.

Ang naging paalam lamang umano noon ni Janella ay mag-aaral sa United Kingdom. Ilan sa mga update sa Instagram ng kanyang boyfriend na si Markus Patterson ay nagsasaad na maaaring nasa UK na rin ngayon si Janella.

Ngunit, aktibo man sa Instagram ay hindi kinukumpirma ni Janella kung nasaan siya.

Patunay din umano ng pagbubuntis ni Janella at ng nalalapit nitong panganganak ay ang paglipad ng kanyang ina na si Jenine Desiderio sa UK sa gitna ng pandemya.

Sa Instagram, ibinahagi ni Jenine ang naging byahe niyang ito kasama ng nakababatang kapatid ni Janella na si Russel. Noong una, pinapahulaan pa ni Jenine kung saang bansa umano ito pupunta.

Kalaunan, nagbahagi ito ng video sa social media kung saan makikitang naglalaro ang anak na si Russel kasama ng boyfriend ni Janella na si Markus sa labas ng isang bahay. Ngunit, hindi kita sa naturang video ang anak nitong si Janella.

Kaya naman, lumakas pa ang hinala ng mga netizen na ang dahilan ng paglipad na ito ni Jenine sa UK ay para sa panganganak ng kanyang anak.


Si Markus ay ipinanganak at lumaki sa London, UK ngunit umuwi lamang sa Pilipinas noong 2016 upang sumali sa Pinoy Boyband Superstar. Dito na nagsimula ang kanyang karera sa showbiz.

Nagsimula naman ang lahat ng haka-hakang ito sa pagbubuntis ni Janella nang tuluyang kinumpirma nito at ni Markus, parehong 22 taong gulang, sa publiko ang kanilang relayson.

Noon lamang ika-12 ng Setyembre, parehong nagbahagi ng post sa Instagram sina Markus at Janella upang ipaalam sa publiko ang kanilang relasyon. Ito ay matapos ang halos isang taon na pagiging pribado ng dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kaugnay nito ay agad din na naging trending sa social media ang isyu na nagdadalang-tao umano si Janella at nasa UK ito ngayon.

Hindi naman malaman ang naging source ng isyu na ito ngunit agad ito na kumalat sa mga netizen. Mas lumakas pa ang spekulasyong ito ng publiko nang magbahagi ng isang Instagram live si Markus kung saan, maririnig ang boses ni Janella.

Dito, maririnig na sinabi ng aktres na bawal umano itong tumalon. Ang maaaring dahilan umano ng sinabing ito ni Janella ay dahil sa buntis nga ito. Saad pa nito sa naturang IG live,

“Oh my gosh, I almost jumped, and that’s not good. I’m not allowed to jump.”


Ayon sa pep.ph, sinubukan umano nilang hingan ng pahayag ang manager ni Janella tungkol sa isyung ito ngunit hindi pa umano tumutugon ang mga ito sa kanila. 

Pinadalhan din umano nila ng mensahe si Jenine tungkol sa isyu ng pagbubuntis ni Janella ngunit maging ito ay hindi rin tumutugon.

Source: PEP


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment