Viral ngayon sa social media ang kuhang video ng isang babae na umano’y hinuhuli ng mga tanod dahil wala itong suot na face mask habang naglalaba sa kanyang bakuran.
Sa naturang video, makikita ang ginawang pagtanggi ng isang babae na mabigyan ng ticket dahil umano sa kanyang paglabag sa hindi pagsusuot ng face mask habang nasa labas ng bahay.
Katwiran ng babae, naglalaba lamang ito sa loob mismo ng kanyang bakuran na ilang dipa lamang ang layo mula sa mismong bahay niya.
“Hindi ko naman alam na kailangang magface mask habang naglalaba…
“Hindi nga po ako pwedeng sumama sa inyo, sir, kasi wala naman po akong kaso. Ano bang kaso ko? Hindi naman po ako pumunta d’yan sa labas,” paliwanag pa ng naturang babae.
Ngunit, ipinipilit pa rin ng mga tanod na naroon na papuntahin ang babae sa barangay upang doon na magpaliwanag. Makikita rin na nagalit ang mga ito nang mapansin na bine-video ng mga kasama ng babae ang ginagawa nilang panghuhuli rito.
“Mandatory na po natin ‘yan. ‘Pag nasa labas ka ng bahay mo, mag-face mask ka…
“Ito ma’am, sasabihin ko po sa inyo. Ngayong nagre-resist po kayo at hindi kayo nakikipag-cooperate sa amin, sinasama po namin kayo at hindi kayo nakipag-coordinate sa amin, within three days po, aalamin po namin ang pangalan niyo at padadalhan po kayo namin ng summon. Mas lalong lalaki ang problema n’yo,” saad pa ng isang tanod sa babae.
Sa kabila ng bantang ito, hindi pa rin nagpatinag ang naturang babae sa mga tanod na naroon. Ani pa nito, kung sasampahan umano siya ng mga ito ng kaso ay haharapin niya umano dahil mayroon umano siyang ebidensya na kahit walang face mask na suot ay naglalaba lamang siya sa kanyang bakuran ngunit hinuhuli siya ng mga ito.
“Hindi n’yo naman ako hinuli sa labas na walang face mask. Nandidito ako sa bakuran ko dahil naglalaba po ako. Alangan namang maglalaba ako dito sa loob ng bahay eh kay liit-liit ng bahay ko…
“Nakikiusap, nanghihingi nga ako ng pasensya sa inyo… Biro mo n’yan, titicketan n’yo ako. Pagdating sa barangay, anuhin n’yo na naman ako,” dagdag pa ng babae.
Sagot naman ng mga tanod, ano ba kasi umano ang kinatatakot ng babae bakit ayaw nitong sumama sa barangay. Mayroon naman daw itong paglabag dahil wala nga itong suot na face mask habang nasa labas ito ng kanyang bahay.
Nang hingin din ng mga ito ang ID ng babae, tumanggi din ito na ibigay o ipakita sa mga tanod ang kanyang ID.
“Naglalaba lang ako! Naglalaba lang po ako sa harap ng ano, kakasuhan na nila ako… titicketan na po nila ako. Ganun ba ‘yun talaga ka-unfair ang batas ngayon? Tapos pag natiticketan ka, isang libo ang tubos mo. ‘Pag hindi mo natutubos, another kaso na naman? Ganun po ‘yun!
“Ang nakapaka-unfair ng batas naman. Ayun o, nasa harap ng tahanan ko. Tresspasing na ‘yan. Asan na ang human rights na tinatawag ‘dun? Nasaan ang human rights? Sige nga…
“Hinid po ako pasaway dahil hindi po ako naggagala-gala d’yan sa labas na hindi ako nagfe-face mask,” sunod-sunod pang saad ng babae.
Panoorin dito ang buong video ng naturang pangyayari at kayo na po ang humusga:
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment