Saturday, September 26, 2020

New Look ni James Reid, Nagpamangha at Kinakiligan ng mga Tagasuporta ng Aktor


Hindi maikakakila na isa ang aktor na si James Reid sa maituturing na may pinakagwapong mukha sa showbiz. Bukod sa kanyang pagiging isang magaling na aktor, ito rin ang isa mga dahilan kung bakit hinahangaan at maraming tagasuporta si James.

‘Complete package’ na nga raw kung maituturing si James dahil maliban sa gwapo nitong mukha, magaling din itong umarte, kumanta, at maging sumayaw.

Kaya naman, hindi kataka-taka na mas ikinamangha pa ng publiko ang bagong look na mayroon ngayon si James. Walang duda na mas lumitaw umano ang kagwapuhan ng aktor, singer, at dancer sa bagong style na mayroon ito sa kanyang buhok at pananamit.

Sa social media, nagkalat ang mga larawan na ito na kamakailan lang kinunan sa aktor. Komento ng iba, mas nagmukha umanong mature si James sa bagong look nito ngayon.


Napansin din ng mga ito na mayroon umanong pagkakahawig ngayon si James sa batang bersyon ng Hollywood actor na si Leonardo DiCaprio. Nagmukha rin umano itong Pinoy version naman ng Hollywood superstar na si Johnny Depp.

Bago para sa mga netizen at sa mga tagsuporta ni James ang bagong gupit at look nito ngayon kaya pinagkakaguluhan ngayon sa Facebook, Twitter, at Instagram ang kanyang mga larawan.

Hindi magkamayaw ang mga ito sa bagong hairstyle ni James na umano’y talagang bagay na bagay sa kanya kaya hindi mapigilan ng mga nakakasalamuha ni James na kunan ito ng larawan.

Hindi naman malinaw kung para saan ang ginawang new look na ito ni James. Ayon sa ilan, baka raw mayroong pinaghahandaang proyekto ang aktor kaya nag-iba ito ng hairstyle. 



Kaugnay naman nito, hindi lamang ang itsura at style ni James ang nag-iba sa kanya sa ilang taon nito sa industriya. Isa si James sa mga natural na nabiyayaan ng talento kaya hindi ito maikakaila sa kanya.

Maliban sa pagiging isang magaling na aktor na gumanap na sa iba’t-ibang mga teleserye at pelikula, pinagsisikapan din ng aktor ang kanyang karera sa pagkanta at paggawa ng musika.

Nagtayo si James ng kanyang sariling music label, ang ‘Careless’, kung saan, gumagawa siya ng mga orihinal na musikang Pilipino. Dito, layunin ni James na dalhin sa international stage ang OPM.

Bukod sa pagsisikap, inilalagay din ni James ang kanyang isip at puso sa lahat ng kanyang ginagawa kaya hindi kataka-taka ang mga naabot na nito sa iba’t-ibang mga larangan gaya ng pag-arte, pagkanta, at pagsayaw.

Ito ang dahilan kung bakit iba umano si James sa ibang mga gwapong artista dahil bukod umano sa hindi maikakailang kagwapuhan nito, hindi rin maitatanggi ang ibinibigay nitong dedikasyon sa kanyang karera.

Kaya naman, ang mga galaw ng aktor ay sinusubaybayan ng mga madla lalong lalo na ng kanyang mga taga-suporta. Dahil dito kaya agad napansin ng mga netizen ang pag-iba ng look ni James na naging dahilan pa umano ng pagdami ng kanyang mga taga-hanga. Biro pa nga ng ilan tungkol dito, hindi umano nila inakala na mayroon pa palang iga-gwapo ang aktor.


Source: mostrendingph


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment