Friday, September 4, 2020

Pagpanaw ni Lloyd Cadena, Nahulaan Daw ni Rudy Baldwin; Mga Kaibigan Nitong Vloggers, Ipinagluluksa ang Biglaan Nitong Pagpanaw



Mula nang lumabas ang nakakalungkot na balita ng biglaang pagpanaw ng vlogger na si Lloyd Cadena, hindi pa rin makapaniwala ang publiko sa nangyari lalo na ang mga malalapit na kaibigan ng vlogger.

Sa social media, inihayag ng mga kapwa vloggers ni Cadena ang kanilang pagkabigla sa hindi inaasahang pagpanaw ng huli. Emosyonal na kinumpirma ng ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Cadena ang nangyari katulad ng mga vlogggers na sina Erika Embang at Macoy Dubs.

Sa isang video na ibinahagi nito sa social media, umiiyak na kinumpirma ni Embang ang pagpanaw ni Cadena na ayon sa kanya ay ang tao umano na tumulong at totoong nagmahal sa kanya.

Hindi rin makapaniwala ang mga vlogger na sina Zeinab Harake, Camille Trinidad, Jayzam Manabat, Pamela Swing, Mika Salamanca, Madam Ely, Donnalyn Bartolome, at Agassi Ching sa pagpanaw na ito ng kanilang kapwa vlogger.


“Tangina anong nangyayari na sa mundo. Takot na takot na kami ni Camille sa nagaganap. rest in peace mamsh @LloydCadena nag uusap lang tayo sa ig last time pinag uusapan natin ang ytff,” ani pa nga ni Manabat tungkol sa nangyari.

Maging ang mga artistang vlogger na nakasama, naging kaibigan, at napalapit din kay Cadena ay hindi rin napigilan na maghayag ng kanilang pakikiramay at pagkagulat na rin sa nangyari sa kanilang kaibigan.

“Nakakabigla parang di totoo...... Rest in Peace Lloyd Cadena.. Sa saglit natin pagsasama sa vlog I witnessed how your mere presence can bring joy and sunshine sa mga tao na nakapaligid sayo .. Marami kami nagmamahal at napasaya mo @LloydCadena,” saad naman ni Alex Gonzaga.


Maliban kay Gonzaga ay inihayag din ng mga artista’t vlogger na sina Sofia Andres, Riva Quenery, Andrea Brillantes, Awra Briguella, at iba pa ang kanilang pagkalugmok sa biglaang pagkawala ni Cadena.



Nangungunang trending topic sa social media ang malungkot na pangyayaring ito kung saan, kabi-kabila ang pagbabahagi ng mga netizen ng kanilang huling mensahe para sa namayapang vlogger.

Dito, nagpapasalamat sila sa hindi matutumbasang saya na naibigay sa kanila ni Cadena sa ilang taon na pagv-vlog nito at ang walang sawa nitong pagtulong sa mga mahihirap. Mula nang magsimula itong magvlog noong 2009, hindi na mabilang ang mga taong kanyang nabigyan ng kasiyahan.

Kaugnay nito, trending topic din sa Twitter ang umano’y hula ng isang Rudy Baldwin kung saan, noong nakaraang taon ay nahulaan na umano nito ang nakatakdang pagpanaw ng isang vlogger. Sa Facebook page ni Baldwin, isinaad nito noon na mayroon umanong isang vlogger na mayroong maraming followers ang papanaw dahil sa cardiac arrest.


Bagama’t hindi pa kinukumpirma ng mga malalapit kay Cadena, ayon sa mga ulat ay cardiac arrest umano ang ikinamatay ng vlogger na bunsod umano ng pagkakaroon nito ng COVID-19.


Kaya naman, ang hula na ito ni Baldwin ay patungkol umano kay Cadena at tuluyan na nga itong nagkatotoo. Dahilan naman ito upang kilabutan umano ang mga netizen dahil nagkatotoo nga ang hula na ito ni Baldwin.

Gayunpaman, patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay para sa pamilyang naiwan ni Cadena. Patuloy din ang pagdadasal ng mga kaibigan ni Cadena at ng mga netizens para rito.

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment