Sunday, September 27, 2020

Multo, Gusto Umanong Magpa-Tulfo Ayon kay Ed Caluag


Nitong nakaraang mga araw, naging bukas ang programang Raffy Tulfo in Action sa pagbabahagi ng mga umano’y nangyayaring kababalaghan sa kanilang studio.

Ito ay matapos ilang beses na mapansin ng mga netizen ang mga umano’y misteryosong bulong sa ilang mga episode ng programa. Isa nga sa mga pinakan naging viral ay ang nakakapanindig balahibong ‘give and take’ na bulong ng isang babae habang nagsasalita ang isang inirereklamo sa programa.

Dahil dito, minabuti ni Tulfo at ng co-host nitong si Sharee na komunsulta sa eksperto kaya inimbita ng mga ito sa programa ang paranormal expert na si Ed Caluag. 

Sa pagpunta naman ni Calaug sa programa, ayon dito ay pagpasok pa lamang umano niya sa lugar kung nasaan ang studio nina Tulfo ay mayroon na itong naramdaman na isang babae. Ito umano ang nagbibigay ng mabigat na pakiramdam sa studio na naramdaman din ni Sharee.

Kwento naman ni Tulfo, ang lugar kung nasaan ang kanilang studio ay dating inabandona kahit hindi pa tapos ang konstruksyon nito. Ilang taon daw muna ang lumipas bago ipinagpatuloy ang pagpapagawa nito ng bagong may-ari ng lugar.

Ayon naman kay Caluag, ito raw marahil ang dahilan kung bakit mayroong mga enerhiya na talagang naroon at nainirahan na sa naturang lugar.

Upang malinawan naman kung sino ang naturang babae na tinutukoy ni Caluag, sinubukan niya itong kausapin kung saan hindi naman ito nabigo na makakuha ng ilang mga impormasyon tungkol dito.

Ang pangalan umano ng babaeng ito na nagpaparamdam ay si Rosalia. Mayroon din itong ibinigay na petsa, September 9, 1988, ngunit hindi malaman ni Caluag kung anong meron sa araw na ito.



Ayon kay Caluag, umiiyak umano ang naturang babae at animo’y sumisigaw o humihingi ng tulong. Naramdaman din ito ni Sharee na naiyak na lamang nang hindi niya namamalayan.

Kaya naman, sa hindi maipaliwanag na proseso ay ipinakita din umano ni Caluag sa isip ni Sharee kung ano ang mga nakikita niyang imahe na ipinapakita ng multong si Rosalia. Animo’y nasasaniban si Sharee habang inilalarawan ang parehong mga bagay na unang sinabi ni Caluag.

Dagdag paglalarawan pa ni Sharee, mayroon din umano siyang nakita na anino ng isang lalaki habang nakikita si Rosalia na iniilagan umano nito. Humihingi raw ito ng tulong sa kanila.

Ayon naman kay Caluag, mayroon umanong sinasabi sa kanya si Rosalia. Hindi man siguradong ganito ang eksaktong sinabi ni Rosalia ngunit ito umano ang nais niyang iparating: 

“Palayain ako.”

Kaya naman, noong una man ay hindi naniniwala, kumbinsido na rin kalaunan si Tulfo na mayroon ngang multo o nagpaparamdam sa kanilang studio. Ngunit, kahit sa multo ay hindi nahihinto ang pagtuklas ni Tulfo.


Nais ng host na matulungan si Rosalia kung anuman ang ibig nitong sabihin na tulong o pagpapalaya. Kaya naman, base sa mga ibinahagi raw nitong impormasyon gaya ng naturang petsa noong 1988, susubukan ni Tulfo na tuklasin kung ano ang nangyari kay Rosalia.

“Kung meron mang espiritu dito… kung ano pong maitulong namin sa inyo, Ma’am Rosalia, magpasabi lang po kayo, i don’t know… through Sir Ed or sa mga video namin, magparamdam kayo, magsalita kayo total nagsalita naman kayo kung kayo ba ‘yun…


“Magsalita kayo. Give us something we can go about na para kung may problema kayo, mabigyan naming solusyon ‘yong problemang ‘yan,” mensahe pa nga ni Tulfo sa multo ni Rosalia.

Panoorin ang buong video dito!

.

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment