Thursday, September 3, 2020

Raffy Tulfo, Susubukang Pag-ayusin Sina Tim Sawyer at China Roces


Umabot na nga sa programa ni Raffy Tulfo ang nangyayaring gulo sa pagitan ng mga vloggers na sina Tim Sawyer at China Roces matapos na dumulog dito ang huli at maglabas ng kanyang mga hinaing.

Sa programa, ibinahagi ni China ang kanya umanong mga reklamo sa dating karelasyon na si Tim na may kinalaman sa kanilang pagsasama at sa pera na kinikita nila sa social media.

Noong una, hindi malinaw para kay Tulfo kung ano umano ang talagang inirereklamo ni China dahil sa pag-iiba iba raw ng punto nito. Hindi malinaw kay Tulfo kung pakikipagbalikan, child support, pananakit, o ang hatian sa kita ang nais na idulog dito ni China.

Ngunit, ayon kay China ay nais niya umano na maging 50-50 ang hatian nila ni Tim ng kanilang kita sa Youtube dahil kasama rin naman umano siya sa mga video nito at siya rin umano ang nag-isip ng kanilang konsepto sa vlog.


“Sir Raffy, kaya lang naman po ako nagdedemand ngayon ng ganyan kasi po noong una po talaga, bilang asawa, ‘yung hinihingi ko lang sa kanya, napakaliit na halaga lang po na panggastos dito sa bahay. Pero ayaw niya pong ibigay,” ani pa ni China.

Nang bigyan naman ng pagkakataon ni Tulfo si Tim na makapagsalita, hindi nito masydaong nailabas ang kanyang panig dahil kapansin-pansin dito ang madalas na pagputol ni China sa mga sasabihin ng dating karelasyon.

Hindi umano totoo ang mga sinasabi ni China laban kay Tim tulad na lamang ng hindi umano nito pagbibigay rito ng pera. Dagdag pa ni Tim, humina rin umano dati ang kita niya sa pagv-vlog dahil pinagbabawalan siya ni China na gawin ang mga bagay na gusto nito dahil sa selos.

“Hinid niya ako pinapayagan na gawin ‘yung passion ko as a vlogger. Nagseselos po siya sa akin. So ngayon, ang nangyari, sinabi ko sa kanya, kung gusto mong kumita ako ng pera, hayaan mo akong gawin ‘yung mga bagay na ginagawa ko as an artist…


“Hindi naman po talaga kami nagkahiwalay. Umalis lang po ako sa bahay. Lumayas po ako doon kasi nga ayaw ko po kasi makipag-argue sa kanya kasi sinasaktan po ako ni China,” pahayag pa ni Tim.

Pinabulaanan naman ni China ang paratang na ito sa kanya ni Tim at sinabing ito umano ang totoong nananakit sa kanya.

Hindi naman maiwasan ni Tulfo na malito umano sa dalawa lalo na kay China kaya naman iminungkahi niya sa mga ito na kung maaari, kung maaayos pa ay magbalikan na lamang umano ang mga ito alang-alang na rin sa kanilang anak.

“Deserve naman talaga ni Ms. China Roces na magkaroon ng hati sa revenue nila dun social media account nung sila’y magkasama pa dahil pareho naman silang nag-invest ng time and effort, regardless kung sino ang may concept…


“Kanina nga lang, medyo nahirapan tayo dahil si China, hindi niya na alam ang kanyang gusto. Nalito na rin ako. Pero I think, feeling ko lang, pwede pa naman siguro ‘tong hilutin na magkabalikan sila…

“Subukan nating pag-ayusin sila baka kaya nating pag-ayusin. Baka mahilot pa… para sa baby,” ani pa ni Tulfo.

Panoorin dito ang buong episode ng pagharap nina China Roces at Tim Sawyer sa Raffy Tulfo in Action:


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment