Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paghahanap ng mga Japanese Coastguard sa 38 Pilipino na kasama sa umano’y lumubog na Livestock Vessel sa Japan nitong ika-3 ng Setyembre.
Sa kasagsagan ng pananalasa ng Typhoon Myasak, lumubog umano ang Gulf Livestock 1 na mayroong sakay na 43 crew. Pawang mga Pilipino ang 39 sa mga ito habang dalawa ang galing sa New Zealand, dalawa ang galing sa Autralia, at isang crew ang galing sa Japan.
Kamakailan lang ay kinumpirma naman ng DFA na mayroong narescue na isang Pinoy na crew mula sa umano’y lumubog na Livestock Vessel. Natagpuan ng Japanese Coastguard na palutang-lutang malapit sa umano’y lugar kung saan lumubog ang vessel si Chief Officer Eduardo Serano, 45 taong gulang.
Ligtas na umano ang kondisyon ni Serano ngunit, maliban sa kanya ay wala pang ibang natatagpuan o nare-rescue ang mga awtoridad.
“One Fil crew member was found adrift at sea but alive. He is Chief Officer Edwardo Sareno. The Japanese Coast Guard continues to search for other missing crew using 4 rescue patrol boats, 2 airplanes and divers from the Haneda Airbase Special Rescue Team,” ani pa ni Beth Estrada, ang labor official ng Konsulado ng Pilipinas sa Osaka sa Japan.
Kumakalat naman ngayon sa social media ang isa umanong video na nakunan mula sa Gulf Livestock 1 ilang sandali bago ito tuluyang lumubog at mawala. Naipasa umano ang naturang video sa isang groupchat ng mga crew nito.
Sa naturang video, makikita ang mala-higanteng mga alon na binabaybay ng umano’y lumubog na vessel. Dito, makikita na nahihirapan na ang vessel sa paglalayag dahil sa malalaking alon na sumusugapa dito.
Ayon sa coast guard, nakapagpadala pa umano ng ‘distress signal’ o nakahingi ng tulong ang Gulf Livestock 1. Sa mga oras na pinaniniwalang lumubog ito, nananalasa umano sa lugar nito ang Typhoon Myasak na mayroong lakas ng hangin na umaabot sa 130 mph.
Galing Napier, New Zealand, naglalayag sana ang Gulf Livestock 1 papuntang Tangshan, China sakay ang mga crew nito at cargo ng tinatayang mahigit sa 5,800 na bilang ng baka.
Ayon sa nakaligtas na si Edurado, matapos tamaan ng malalakas na alon ay namatay umano ang makina ng Gulf Livestock 1, dahilan para magsuot umano ng life jacket silang mga crew. Ngunit, nang abandunahin umano ni Eduardo ang vessel bago ito tuluyang tumaob, hindi niya na umano nakita pa ang mga kasamahan niyang crew.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng mga embahada ng Pilipinas sa Japan para sa patuloy na paghahanap ng mga coast guard doon sa 38 pang Pilipinong seaman na hanggang ngayon ay nawawala pa rin.
Maging ang mga ahensya na kinabibilangan ng mga nawawalang Pilipino ay patuloy din ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.
Dito naman sa Pilipinas, patuloy rin ang pagdadasal ng mga kababayan at pamilya ng mga Pilipinong ito na kasama sa nawawalang Gulf Livestock 1. Patuloy ang paniniwala at pagdadasal ng mga ito na matatagpuan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment