Tuesday, September 15, 2020

SANA ALL!: Legit na Long Distance Relationship na Nauwi pa sa Engagement, Kinakiligan ng mga Netizen!


Maraming mga netizen ang kinilig sa lovestory na ito ng isang netizen na nagkaroon ng isang Long Distance Relationship sa isang US Army at tuluyan lamang nagkita, sa unang pagkakataon, matapos ang walong buwan.

Bago ito, unang nang naging trending ang love story na ito nina Rossy at Luigi noong ibinahagi ni Rossy ang kanilang LDR sa Facebook kahit hindi pa nagkikita ang mga ito.

Dito, ibinahagi ni Rossy na hindi umabo lahat ng nagkakaroon LDR ay hindi nagtatagal dahil aniya pa,

“Girls, if a man truly loves you and has a better plan for you, Then he will do an effort no matter how far you are. He will accept your imperfections, and lastly! He will not cheat on you just because he's bored. “



Ayon kay Rossy, bagama’t ayaw nito noong una sa LDR, nang makilala niya umano ang nobyo ay natutunan niya na hindi hadlang ang distansya kung totoong nagmamahalan ang dalawang tao. Nagbigay pa ito rito ng ilang mga payo kung paano mapanatiling masaya at matatag ang relasyon kahit na nasa isang long distance relationship. 

“How to keep a long distance relationship? simple ra. PRAYERS, COMMUNICATION, TRUST, TIME, EFFORT, ACCEPTANCE, PATIENCE, LOYALTY, LOVE, and BONDINGS through playing online games, watching online movies together, sing to each other through call and doing similar things,” saad pa ni Rossy.

Ilang buwan matapos nito, masayang ibinahagi muli ni Rossy sa social media na sa wakas ay nagkita na sila ni Luigi, sa unang pagkakataon. Dagdag pa nito, sa pagkakataong ito ay engaged na silang dalawa at nakilala na nito ang kanyang pamilya.

Dahil dito, maraming kinilig kina Rossy at sa kanya na ngayong mapapangasawa na si Luigi. Isang malaking ‘sana all’ nga raw ang love story na ito nina Rossy at napakaswerte umano nito na makatagpo ng totoong pag-ibig.




Muli pang pagbabahagi ni Rossy sa kanilang nakakakilig na love story:

“From US Texas, umuwi nang pinas para magpakasal. Nagkakilala sa Facebook, LDR for 8months, and finally this august lang, Nagkita kami kahit almost 1month sya na quarantine.

 “Umuwi talaga kahit ang hirap makapasok nang pinas dahil andaming restrictions at puro cancelled flight niya. I saw his efforts, and yes! di po basta2 yun. I’d like to feature this ‘real’ man. Kasi deserve niya talaga! 


 “Nakaka proud makahanap ng partner na sobrang pogi, artistahin, mabait, talented, loyal, contented, down to earth, family oriented and smart enough to appreciate little things.”





Hindi naman maiwasan ng mga netizen na ikumpara ang love story na ito nina Rossy sa isa ring LDR love story na naipalabas pa nga sa KMJS. Ani ng mga netizen, ang kwento raw nina Rossy ang dapat na maipalabas sa publiko dahil totoo umano ito at walang halong panloloko.

Sa ngayon, ang mga Facebook posts na ito ni Rossy ay umani na ng libo libong mga reactions kung saan, karamihan ay kilig na kilig sa kanilang kwento. Libo-libo na rin ang shares ng mga ito at hanggang ngayon ay patuloy pa rin na dumadami.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment