Tuesday, September 1, 2020

Zeus Collins, Nagreact sa Napabalitang Pumanaw na raw ito; Netizens umalma sa Balita!



Ang host at Hashtag member na si Zeus Collins ang pinakabago ngayong biktima ng death hoax, o isang fake news na nagsasabing pumanaw na ito.

Sa social media, kamakailan lang ay mayroong lumabas na balita kung saan, pumanaw na umano si Zeus matapos nitong ma-aksidente sa kanyang motor sa EDSA. Ayon sa naturang balita, tumilapon at nahulog umano ang aktor sa isang flyover doon dahil sa kalasingan at mabilis nitong pagpaptakbo.

Heto nga ang nakasaad sa isa sa mga lumabas na fake news tungkol kay Zeus:

“Zeus Collins patay na matapos mahulog sa EDSA flyover habang naka motor ito. Nalamang lasing at mabilis ang patakbo ng motor ni Zeus kaya’t tumilapon siya. Panoorin niyo po sa wall ng profile ko ang video. Paalam Zeus :(“



Dahil dito, hindi napigilan ng mga tagasuporta ng dancer na magreact sa naturang balita. Ikinagalit at hindi ikinatuwa ang mga ito ang umano’y paglabas at pagpapakalat ng naturang death hoax dahil maliban sa hindi ito totoo, hindi rin umano ito isang magandang biro.

Si Zeus din mismo ay hindi pinalagpas ang naturang fake news at nagreact ito sa naturang mga balita. Sa Instagram, naglabas ng reaksyon ang aktor sa pamamagitang ng isang video kung saan, ginawan na lamang ng biro ng aktor ang naturang balita.

Taliwas sa lumalabas na balita, buhay na buhay si Zeus at tinawanan na lamang ang balita ng umano’y pagpanaw nito. Ngunit, sa kabila nito ay binigyang diin ni Zeus na ‘FAKE’ ang naturang mga balita.

Dahil sa biro na ito ni Zeus, maliban sa hindi magandang mga reaskyon sa naturang fake news ay natawa na lamang din ang iba dahil sa paraan ng pagre-react dito ng dancer.


Heto pa ang ilan mga reaksyon na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa balitang ito tungkol kay Zeus:


“What how horrible. No to fake news.”

“Hahahaha mga hayup hahahaha buhay pa pinapatay n’yo na.”

“Putekkk baket parang lagi kayong pinag-titripan hashtag. Wala talagang magawa ‘yung mga ibang tao kung hindi mag trip ng mag trip.”

“Grabe yan ah. Loko. Walang magawa.”

“Grabe naman. Wala nang magawa nag post ng kung ano ano.”

“Buhay ka pa nga pinapatay na. Iba talaga kapag fake news.”


Pakiusap naman ng mga tagasuporta ni Zeus, tigilan na umano ang pagpapakalat ng mga pekeng balita na ito dahil gaya nga ng sinabi nila, hindi na nakakatawa at mas lalong hindi ito magandang biro.

Bago si Zeus, ilang mga artista at personalidad na rin ang naging biktima ng death hoax na talagang hindi ikinatuwa ng publiko. Ani ng mga ito, lalo na sa panahon ngayon na mayroong pandemya ay hindi umano dapat ginagawang biro ang ganitong mga bagay.

Ilan nga sa mga artistang naging biktima na rin ng ganitong klase ng fake news noon at sinasabing pumanaw na kahit ang totoo ay buhay na buhay ang mga ito ay sina Michael V., Gary Valenciano, Shaina Magdayao, Claudine Barretto, John Lloyd Cruz, at maging ang ‘The Voice’ coach na si Bamboo Manalac.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment