Tuesday, September 1, 2020

KILALANIN: Boyfriend ng The Voice Kids Season 2 Grand Winner Elha Nympha, Isa Ring Kapamilya Singer



Malaki na nga talaga ang naging pagbabago kay The Voice Kids Season 2 Grand Winner Elha Nympha mula nang manalo ito sa naturang kompetisyon.

Maliban sa malaking pagbabago sa buhay nito at pagkakaroon nito ng mga proyekto at pagkilala dito at sa ibang bansa, malaki na rin ang pagbabago sa dating cute na batang si Elha.

Kamakailan nga lang ay ginulat ng 16 taong gulang na ngayong si Elha ang publiko sa malaking pagbabago sa katawan nito kung saan, pumayat at naging fit na si Elha mula sa pagiging malusog na bata. Dalagang dalaga na nga raw ito ayon sa kanyang mag tagasuporta at mga nakasama sa showbiz.

Ngunit, maliban sa magandang pagbabagong ito sa katawan ni Elha, isa pang rebelasyon ang ibinahagi rin ng singer na siya namang ikinatuwa ng marami.



Hindi na nga talaga bata ang singer dahil mayroon na itong boyfriend na kagaya niya ay isa ring mang-aawit. Proud na ibinahagi ng dalawa ang kanilang relasyon sa social media na sinuportahan naman ng mga kaibigan nito at ng mga netizen.

Ang boyfriend niyang ito ay ang Kapamilya singer din na si Brian Gazmen.

Sa isang Instagran post nito lamang ika-17 ng Agosto, proud na ibinahagi ni Brian ang tungkol sa relasyon nila ni Elha. Nag-uumapaw ang sweetness nito sa kanyang girlfriend na kanya pa ngang tinawag na ‘love of my life’.


Dito, ibinahagi ni Brian kung gaano umano ito kasaya at kaswerte na makarelasyon si Elha. Inihayg niya rin dito kung gaano ito ka-espesyal sa kanya at kung gaano umano siya nito napapasaya araw-araw.

“Hello to the love of my life, you don’t know how happy I am to be your boyfriend and how lucky I am that you’re my girlfriend. I am so happy that you came in to my life…



“You make me smile every single day, you make me become a better person. Although it’s quarantine and hanggang video call lang tayo, ok Lang sa akin yun, seeing you is enough for me already to make me smile. You are amazing, baby…

“You are special, that is why I’m proud to tell the whole world that you are my girlfriend, the love of my life because I have never seen a girl like you in my life. You are perfect in my eyes. I love you so much baby ♥️♥️♥️ I will always be here by your side, supporting you and trying to make you smile,” ani pa nga ni Brian tungkol sa girlfriend.

Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Elha ang tungkol sa kanyang boyfriend nang minsang isinuot nito sa isang larawan ang umano’y t-shirt ni Brian. Ani pa nito,

“I used my man’s shirt UGGHHH Surprise @brian_gazmen.”


Marami naman ang natuwa sa anunsyong ito ni Elha lalo na ang kanyang mga tagasuporta. Nagpahayag din ng pagbati sa dalawa ang ilan sa kanilang mga kapwa artista at singer na natuwa sa bagong kabanata na ito sa buhay nina Elha at Brian.


Ayon sa mga ito, talagang dalaga na raw talaga ang dating bata lamang na pinapanood nilang bumibirit sa telebisyon. Gayunpaman, ang mahalaga umano ay ang makitang masaya ngayon ang singer.

Source: ptama

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment