Thursday, October 8, 2020

Angel Locsin, Spotted Habang Nagte-taping sa Caloocan City


Maraming mga netizens ang nagbahagi ng larawan ng aktres na si Angel locsin nang namataan nila itong nagte-taping sa Caloocan City. 

Ayon sa mga nagviral na larawan ni Angel, nakunan ito noong ika-5 ng Oktubre habang nagte-taping ang aktres sa harap ng Our Lady of Grace church sa Caloocan. Para umano ito sa public service program ng ABS-CBN na ‘“Iba ‘Yan” kung saan kasalukuyang host si Angel.

Ayon sa mga netizens na nakakita sa aktres, namangha ang mga ito sa ganda at bait ni Angel na humingi pa raw ng pasensya sa mga dumaraan dahil sa ginagawa nilang taping sa lugar.

“Nagsimba lang naman kami nakita ko na si Angel Locsin super gandaaaa… Sabi nya samin "Hi po sorry sandali lang po ah",” saad pa nga ng isang netizen na nakakakita sa aktres.

Sa mga larawan na naging viral, bagama’t marami ang humanga sa ganda ng aktres at natuwa sa update na ito tungkol kay Angel, marami ang nakapansin sa muling pagdagdag ng timbang nito.

Bagama’t hindi maikakaila na lutang pa rin ang ganda ni Angel kahit sa ganitong pangangatawan, hindi maiwasan ng iba na mabahala raw para sa kalusugan ng aktres.

Dahil dito, mabilis naman na ipinaliwanag ng ibang mga netizens ang kalagayan ng kalusugan ni Angel at kung bakit ganoon ang nangyayari sa kanyang timbang. Ayon sa mga ito, dahil sa spine injury ni Angel ay mayroon umano itong iniinom na gamot na ang side effect ay ang pagdagdag sa kanyang timbang.

Dagdag pa ng ilan, kahit gustuhin din daw ng aktres na mag-ehersisyo para bumawas ang kanyang timbang ay hindi rin ito pwede dahil nga sa kanyang spine injury.


Bagama’t sumailalim na dati si Angel sa isang operasyon para sa naturang sakit, hanggang ngayon ay patuloy pa rin umano ang kanyang iniinom na gamot. Kung matatandaan, ito ang naging rason kung bakit pinakawalan dati ni Angel ang kanyang role bilang Darna sa pelikula. 


Ayon kay Angel, ang ilang taon niyang pagtatrabaho kung saan karamihan ay nangangailangan ng matinding training lalo na sa mga action roles ang naging rason kung bakit nabuo ang kanyang spine injury. 

Hindi rin kasi lingid sa kaalaman ng karamihan na hindi gumagamit si Angel ng double sa kanyang mga role at ito ang mismong gumagawa ng kanyang mga stunts. Ayon kay Angel, gusto nito na ibigay ang lahat sa bawat ginagampananan niyang karakter.

Kaya naman, sa kabila ng mga negatibong reaksyon para sa malaking pagbabago ngayon sa katawan ni Angel, nandiyan palagi ang kanyang mga taga-suporta upang ipagtanggol ang tinaguriang ‘real-life Darna’.


Hindi nasusukat ng timbang ang kagandahan ng isang tao kundi sa kabutihang loob na meron ito kagaya ni Angel. ‘Beautiful inside and out’ nga ang tawag ng mga tao sa aktres dahil bukod sa hindi nito maikakailang ganda, ang puso nito para sa pagtulong sa mga tao ay ilang beses na nitong ipinamalas at pinatunayan.

Panahon na rin umano para matigil na ang ‘body shaming’ at ipakalat ang ‘body positivity’ para sa kahit na anumang hugis at timbang ng katawan.

“Angel will always be an angel. I see nothing but an angel,” saad pa nga ng isang netizen tungkol kay Angel.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment