Hindi nakaligtas kay Clint Bondad ang mga misteryosong pahayag ni Miss Taguig Sandra Lemonon sa kanyang Instagram stories na tungkol raw sa isang rebelasyon na kanyang ibubunyag sa tamang panahon.
“Get your tea. Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen. But what you forgot to say Is that REAL queens Play FAIR, don’t CHEAT,” saad pa nga ni Sandra sa isa sa mga IG stories niyang ito.
Ang mga ‘cryptic’ IG stories na ito ni Sandra ay sinimulan niyang ibahagi matapos mai-anunsyo ang pagkapanalo ni Miss Iloilo Rabiya Mateo sa presyihiyosong Miss Universe Philppines pageant. Kandidata rin dito si Sandra kung saan, naging bahagi ito ng Top 16.
“Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest & speak facts…
“The truth always comes out. It’s just about timing. Karma is real. Soon. Because we deserve justice,” saad pa nga ni Sandra sa iba pa nitong IG stories.
Nakuha naman ng mga IG story na ito ni Sandra ang atensyon ni Clint na minsan na ring nagbahagi ng mga misteryosong IG stories noon at naging trending.
Gamit ang larawan ng isang IG story ni Sandra, ani rito ni Clint,
“Sandra, at least be original.”
Napansin din ng mga netizens na mukhang katulad daw ng ginawa ni Clint dati ang ginagawang ito ngayon ni Sandra. Sa kasalukuyan, hindi pa rin ibinubunyag ni Sandra ang ayon dito ay isang malaking rebelasyon.
Kung matatandaan, naging malaking usap-usapan dati ang mga misteryosong IG posts ni Clint na iniuugnay ng mga netizen sa ex-girlfriend nito na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Ayon sa mga netizen, ang mga IG story raw na ito ni Clint ay mayroong pahiwatig tungkol din sa isang rebelasyon na gusto nitong isiwalat tungkol sa dating nobya at sa kasalukuyang boyfriend ni Catriona na si Sam Milby.
Nang mga panahong iyon, matatandaan na isa rin si Sandra sa mga nagtanggol kay Catriona mula sa mga akusasyon dito ng mga netizen na dulot naman ng mga misteryosong pahayag na ibinahagi ni Clint sa IG stories.
Isinaad dito noon ni Sandra na si Clint daw ‘is not in a healthy state of mind’. Bahagi pa nga ng naging pahayag nito dati tungkol dito,
“‘Chismis culture’ should be cancelled forever, it doesn't benefit anyone in the long run… Whatever is happening to him, it is clear to see that he is not in a healthy state of mind and it's sad to see a lot of people treating this as a show.
“It seems like most people forget that when you are in the public eye that doesn’t mean you are not Human… that you don’t have feelings, that you are perfect… One day, Cat will open up her side of the story and come out stronger than ever before.
“To every person that ever doubted her good intentions, accused her of things she didn’t do, I hope that you will all learn how to not judge anyone or quick to react especially when you don’t know the full story.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment