Bestfriends ang turingan ng mga sikat na celebrity na sina Enchong Dee at Bea Alonzo sa isa’t-isa. Sa sampung taon nilang pagkakaibigan, subok na ang tibay ng kanilang samahan at ang tiwala na mayroon ang mga ito para sa bawat isa.
Kaugnay nito, kamakailan lang ay ito ang naging paksa nina Bea sa bagong vlog na ibanahagi ni Enchong. Dito, ibinahagi ng dalawa kung kailan nagsimula ang kanilang friendship at kung bakit nagtagal ang kanilang pagkakaibigan.
Ayon kina Enchong, una silang naging magkaibigan nang magsama ang mga ito sa teleseryeng ‘Magkaribal’ noong 2010 kung saan, nakasama rin nila ang mga bigatin ding artista na sina Erich Gonzales, Derek Ramsay, Gretchen Barretto, at Angel Aquino.
Para kay Bea, kaya umano nagtagal at tumibay ang kanilang pagkakaibigan ni Enchong ay dahil sa pagkakapareho nila sa isang ugali. Pagbabahagi pa ni Bea,
“It’s because we’re both driven and that somehow, we complement each other, like… parang feeling ko, I’m less aggressive than you are when it comes to, like, pursuing your dreams. But, in both ways, we get everything done… but we have different methods. Tingnan mo, in different ways we are so similar but, at the same time, we’re opposites.”
Para naman kay Enchong, isa umano sa mga dahilan kung bakit naging matalik niyang kaibigan ang aktres ay nang mag-open up ito sa kanya na hindi naman madalas na ginagawa ni Bea sa mga tao.
“The biggest factor was… Bea opened up herself to me in a different level. Nasabi ko, for her to trust me this much, there’s value… there’s importance in our relationship.
“I remember sabi mo sakin, ‘Alam mo Chong kapag nag-oopen up ako, para kong hinuhubaran ‘yung sarili ko sa harap ng tao’. I felt honored and happy because you allow me to see you naked,” pagkukuwento pa nga ni Enchong.
Mayroon ding naikwento ang dalawa na isang nakakatawang pangyayari noon kung saan, nabudol daw dati ni Enchong si Bea. Ito ay nang mabili ni Enchong ang Starex Limousine ng aktres sa halagang Php 1 milyon lamang gayong ang presyo nito nang mabili ni Bea ay nasa 3 o 4 na milyong peso.
Pagkukwento pa nga ni Bea tungkol dito,
“May party dito sa bahay. Mahilig kasi ako mag-entertain. So may pa-dinner ako dito sa bahay. And then, nalasing ako… lasing na lasing ako. Nag-take advantage siya. Kasi magpapalit ako ng kotse nu’n. Sabi niya, ‘Ibenta mo na ‘yung Starex Limousine mo sakin.’ Ako naman ‘oo naman ipakuha mo na ‘yan diyan. Hindi ko alam binenta niya ng 1 million na isang taon lang na kotse.
“Tapos the following day, hindi pa ako gising, naka-deposit na ‘yung one million sa account ko. Pinipick-up na daw ‘yung kotse ko. Nabudol! Sabi ng nanay ko, bakit mo binenta ng napakababa ’yung kotse.”
Dahil sa subok na ang pagkakaibigan na mayroon sina Bea at Enchong, hindi natatakot ang mga ito na amining may mga panahon sa kanilang buhay na hindi nila nadamayan ang isa’t-isa. Ngunit, hindi ito naging hadlang upang lalo pang mapagtibay ang kanilang pagkakaibigan.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment