Humarap sa programa ni Raffy Tulfo si Airyn Gonzales na dating girlfriend at kinakasama ni Super Tekla upang magsalita tungkol sa mga mabigat na akusasayong ibinabato rito ng kasalukuyang kinakasama ng komedyante.
Dito, inihayag ni Airyn na sa tingin niya ay hindi magagawa ni Tekla ang mga ibinibintang dito ni Michelle Lhor Bana-ag. Si Airyn ay ang nanay ng unang anak ni Tekla at naging magkarelasyon sila nito ng walong taon.
Ayon kay Tulfo, si Airyn umano ang tumawag sa kanila at nakiusap na kung maaari ay magsalita o magbigay ito ng pahayag tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya ni Tekla.
Ayon sa kanya, bagama’t ang pag-aaway ay normal naman umano sa magkarelasyon, kailanman ay hindi siya pinilit ni Tekla na gawin ang gusto nito kahit na ayaw niya. Napag-uusapan naman umano nila ang dating mga away at base sa pagkakakilala niya sa komedyante, hindi niya raw magagawa ang mga ibinabato ritong akusasyon.
“Hindi naman po siya ganung klaseng tao kasi sa walong taon po naming magkasama, hindi niya naman po nagawa sa’kin na ganun.
“May times siguro na sa s3xual relationship ng mag-asawa, may time siguro na hindi kayo magkakaintindihan though hindi naman aabot sa ganyan, na pwede naman po sanang pag-usapan,” ani pa ni Airyn.
Dagdag pa nito, masyadong sobra na rin umano ang akusasyon na hindi nagbibigay si Tekla ng pera na pangkain kay Michelle. Pagkukuwento kasi nito, maaari raw na mayroong mga oras na nagigipit sila sa pera pero hindi naman umano ‘yun umaabot sa puntong ginugutom nito ang kanyang pamilya.
Ang mga bagay raw na ganito ay napag-uusapan naman umano kaya denedepensahan nito sa Tekla laban sa naturang mga alegasyon. Base raw sa itinagal ng kanilang pagsasama, hindi naman daw siya nakaranas ng mga bagay na ibinibintang kay Tekla lalo na ang umano’y pamimilit nito sa kanyang gusto.
Bago magsalita si Airyn ay una na ring nagsalita para sa panig ni Tekla ang mga kaibigan nito na sina Donita Nose, Ogie Diaz, at ang manager nito. Pareho ang naging pahayag ng mga ito base na rin sa inilahad sa kanila ni Tekla. Mariing idinidiin ng komedyante na hindi niya ginawa ang mga akusasyon ni Michelle at ang lahat ng ibinibintang daw nito ay planado.
Sa kabila ng mga ito, mariin pa rin na pinanghahawakan ni Michelle na totoo ang mga alegasyon niya sa live-in partner na hindi raw ito nagbibigay ng pera, namimilit na makipagtal1k, at gumagawa ng kabastusan kahit sa harap ng kanilang anak.
Kung noong unang beses na humarap ito kay Tulfo ay naani agad nito ang simpatya ng publiko, unti-unti ay mayroon nang mga gustong pakinggan ang panig ni Tekla matapos ang mga pahayag nito at ng mga kaibigan. Dumagdag pa rito ang mga alegasyon ng panig ni Tekla na gumagamit daw ng ipinagbabawal na dr*ga si Michelle.
Bagama’t aminado rin si Tekla na gumagamit siya nito dati, sa bibig na mismo ni Michelle nanggaling na pareho na silang huminto ng komedyante noong nakaaang taon ngunit mas nauna sa kanyang tumigil si Tekla.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment