Thursday, October 22, 2020

Viral ‘It Really Hurts’ Challenge ng mga Taga-LTO, Pinuna ng PCW


Hindi ikinatuwa ng Philippine Commission on Women (PCW) ang viral entry ng mga empleyado ng Land Transportation Office o LTO sa nauusong ‘It Reaaly Hurts’ dance challenge sa Tiktok.

Sa naturang video, makikita ang mga kababaihang empleyado ng LTO na ginagawa ang patok na dance challenge. Makikita rin dito ang paalala ng ahensya sa mga karampatang multa para sa mga paglabag o violation ng mga motorista. Iniba rin ang lyrics ng kanta sa dance challenge at pinalitan ng mga tungkol sa batas trapiko.

Matapos nitong maging viral, naglabas ng pahayag ang PCW kung saan pinuna nila ang kawalan daw ng ‘gender sensitivity’ sa naturang viral clip ng LTO. Para sa PCW, mayroon pa umanong ibang mas epektibong paraan upang ihayag ang kanilang mensahe o kampanya sa publiko.

“There are better and more effective ways to express the message other than having people, presumably their employees, perform gyrating dance moves that are totally irrelevant to the message that they want to convey… 

“Following this, all must be cautious as to the gender sensitivity of all media content, especially when it is targeted for the general public. This is critical during this digital era when many government agencies harness the power of social media and hook into trends to spread information on their campaigns,” ani pa ng PCW sa isang pahayag.


“Gone are the days when women were being used to attract the attention of an audience, by making them dance or wear skimpy clothes or portraying them as sexual objects in events and materials where these are not even necessary,” dagdag saad pa ng PCW.

Kaugnay nito, naglabas din ng pahayag ang LTO bilang sagot sa pahayag na ito ng PCW. Ayon sa ahensya, ‘educational’ ang naging layunin ng naturang video at hindi rin naman umano ito naibahagi o naipost sa anumang opisyal na social media platform ng ahensya.

Ang pahayag na ito ay ibinahagi ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran. Dagdag niya pa, ‘voluntary’ na ginawa ng mga empleyado ang naturang video.

“The content was neither posted on official social media platforms of the LTO nor the DOTr… The act was not initiated by the agency, but was made voluntarily by a group of well-meaning women who wanted to help promote the campaigns of their agency,” saad ni Libiran.

“Instead of just making it for fun, these ladies thought of adjusting the actual song in a way that can inform, using the same language of their stakeholders, primarily the drivers, commuters and millennials who are aware of the challenge. Maraming nakaka-relate na drivers, commuters, millennials. Para kumalat, ‘yun ang kanilang ginawa… 

“The message is—It Really Hurts Na Magmulta, Kaya Magtino Ka Sa Kalsada,” dagdag pa ni Libiran.

Ibinahagi rin ni Libiran ang naturang 36-second Tiktok video sa Facebook at pinasalamatan ang gumawa nito para sa ‘catchy’, ‘entertaining’, at ‘informative’ na paggawa raw ng video.


Dagdag pa nito, ang naturang Tiktok challenge ay nilahukan ng maraming mga indibidwal sa social media at hindi lamang ng LTO. Sa katunayan, ang ilang mga ahensya tulad daw ng BFP at DepEd ay sumali na rin sa naturang challenge.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment