‘Utimate Plantita’.
Ito ang naging bansag ng mga netizen sa aktres na si Aubrey Miles dahil sa nakakalulang dami at presyo ng mga koleksyon nitong halaman sa bahay. Sa Instagram account ni Aubrey ay mayroon itong pasilip sa dami ng halaman na inaalagaan nito sa kanilang tahanan.
Hindi gaya ng karamihan na ngayon lamang nahilig sa mga halaman bilang pagkakaabalahan dahil sa lockdown, si Aubrey ay ilang taon na itong ginagawa. Kwento pa ng aktres, 11 taon na umano ang nakararaan nang una siyang nahilig sa mga ito matapos mabili ang pinakauna niyang halaman sa Quezon City.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 100 species lang naman umano ng iba’t-ibang mga halaman ang mayroon si Aubrey sa kanilang mga tahanan. Sa lahat ng ito, mayroon umanong mga halaman si Aubrey na maging siya ay nalulula rin sa presyo.
Ayon sa aktres, ang pinakamahal nitong halaman ay nabili niya sa presyong PHP 300 000 lang naman. Maliban dito, mayroon pa siyang mga halaman na nabili sa mas mababa ngunit nakakalula pa ring presyo.
Ilan umano sa kanyang mga halaman ay nagkakahalagang Php 100 000 o di kaya ay Php 150 000 nang kanyang mga mabili. Ang tinutukoy niya namang pinakamahal sa lahat ng mga ito ay ang halamang variegated bellietiae.
“Oh my God, the most expensive one is the… Nakakahiyang sabihin. You know sometimes when they ask me, parang I feel like they think I’m crazy or insane to pay that much. Probably the most is P300,000,
“Yes, it’s crazy. Then some are like P100,000, P150,000,” kwento pa ni Aubrey nang minsan itong magpaunlak ng panayam.
Ayon naman kay Aubrey, pinaparami niya umano ang maga halaman niyang ito at naibebenta. Kaya naman, nababawi niya na rin ang perang ginastos niya sa pagbili ng mga ito.
“Propagation is when you cut them and then you grow. So I sell some of them to get my money back,” kwento pa ni Aubrey.
Sa dami ng alaga at koleksyon niyang halaman, balak pa raw itong dagdagan ng aktres. Ang kanila ngang ‘all-white’ na bahay ay nagmistula nang ‘indoor jungle’ sa sobrang pagkahilig ni Aubrey sa mga halaman.
“Pagka talagang plant lover ka, you want a lot. Never ending,” ani pa ni Aubrey.
Para sa aktres, ang pangongolekta at pag-aalaga ng mga halaman ay parang pagbili din umano ng mga mamahaling bag, damit, sasakyan, at iba pa. Kanya-kanya umanong hilig ‘yan basta’t ang importante ay ang dala umano nitong kaligayahan.
Minsan pa nga nitong saad isa niyang IG post,
“When you buy expensive clothes, bags, shoes it’s luxurious. When you buy an expensive plant, some say it’s nonsense, absurd and crazy. To each his own, and whatever makes you happy makes you happy.
“Everyone deserves to be happy. It goes both ways. Bag lang yan, shoes lang yan, halaman lang yan. Only that person who’s collecting will understand. We all have our own. We’re all entitled to our own opinion but my thing ‘DON’T HATE WHAT WE DON’T UNDERSTAND’.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment