Thursday, October 15, 2020

Hashtag Ryle at Nanay nito, Umalma sa Isang Basher! “WALA daw KAMING PERA, totoo rin!”


Nang dahil sa isang netizen na bumatikos sa kanyang anak at Hashtag member na si Ryle Santiago, hindi napigilan ng dating aktres na si Sherilyn Reyes na ipagtanggol ito at ibahagi ang kanilang pinagdaraanan.

Nagsimula ito ng tawaging ‘papansin’ ng isang basher si Ryle dahil sa pagsusuot umano nito ng ‘shades’ habang nasa isang mall kahit hindi naman daw ito sikat. Maliban dito, nag-iwan din ito ng pahayg tungkol sa paglalako umano ni Sherilyn ng isang beauty product.

Ayon naman kay Sherilyn para sa mapanghusgang netizen na iyon, hindi umano shades ang suot ng anak kundi isang tinted face shield. Mas lalong hindi rin umano ito nagpapapansin gaya ng paratang nito.

Sa pahayag naman nito tungkol sa paglalako raw ni Sherilyn ng kanyang paninda, ayon sa dating aktres ay hindi niya umano ito ikinahiya kailanman. Sa katunayan, nagpapasalamat pa umano siya rito dahil malaking tulong ito sa kanila matapos nilang mabiktima ng panloloko.

“Panay daw raket kami, OO SALAMAT SA DIYOS, sa panahon na ito, madaming raket na dumadating. WALA daw KAMING PERA, totoo rin! At kahit kailan lalo na sa mga kakilala ko ay never ko ikinaila na wala akong pera ngayon. 

“Sa kasamaang palad, na swindle ako last year. Masaklap pero buong pamilya ko ay lumalaban araw araw at gumagapang para mabayaran ang utang na di naman amin,” pagbabahagi pa ni Sherilyn.

Dito, ibinunyag ng dating aktres ang kanilang pinagdaraanan matapos ang nangyaring panloloko sa kanila. Hindi nito ikinaila ang pinagdaraanan nilang hirap para mabayaran lamang ang pera na itinakbo ng iba.

“Dalangin ko na sana hindi mo maranasan dahil mahirap at masakit. Gagawin mong lahat para masigurong matupad mo buwan buwan ang obligasyon mo, sa mga panahong nalulungkot ka at naiiyak, pipilitin mong ngumiti nang di rin maging malungkot ang pamilya mo. 



“Na araw araw kulang na lang isigaw mo ang dasal mong sana matapos na ang problemang hindi naman dapat sa yo pero dahil maayos kang tao, inaako mo at ng pamilya mo. Na araw araw pinagpapasalamat mo na ang asawa mo ay nagpapakumbaba sa mga tao para makiusap dahil kayo ay naloko sa negosyo,” dagdag ani pa ni Sherilyn.

Kaya naman, taas noo at hindi umano ikinahihiya ni Sherilyn ang ginagawa nitong pagbebenta ng isang beauty product dahil itinuturng niya itong malaking biyaya sa kanilang pamilya lalo na sa pinagdaraanan nila ngayon. Marangal na trabaho ito at nagpapasalamat sya sa oportunidad na ibinigay ng produkto sa kanya.

Dagdag pa nga ni Sherilyn, nakakalungkot umano na sa kabila ng pinagdaraanan ngayon ng lahat dahil sa pandemya, mayroon pa ring mga tao, katulad ng naturang basher, na nagagawa pa ring manlait ng kapwa kahit na wala silang ginagawang masama rito.


“Sa 26 years ko sa Showbiz, kahit kelan hindi ko na consider ang sarili kong sumikat pero dahil sabi mong laos na ko, salamat na para sa yo ay sumikat din pala ko Kahit papano,” ani pa rito ni Sherilyn.

Sa kabila nito, ipinagdarasal niya na lamang umano na hindi pagdaanan ng mga ito o ng sinuman ang pinagdaraanan ngayon ng aktres na problema. 

Source: PEP


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment