Thursday, October 15, 2020

Ruffa Gutierrez, Trending Matapos Mag-Walk Out sa Isang Tiktok Video!


Aliw na aliw ang mga netizen sa napa-walk out na si Ruffa Gutierrez sa isang Tiktok video dahil hindi na nito kabisado ang dance move.

Sa naturang Tiktok video na ibinahagi ng aktor na si Gardo Verzosa, makikita na game na game pa si Ruffa noong unang bahagi ng video. Ito pa nga ang pinakaunang sumayaw at pinaka-energetic sa mga kasama.

Ngunit, nang bandang huli, hindi na nakasabay si Ruffa sa Tiktok dance move ng mga kasama at natawang napa-walk out na lamang. Natawa nalang din ang mga kasama nito na sina Dennis Padilla, Arlene Muhlach, at Herbert Bautista, sa pa-walk out na ito ni Ruffa.

“sayang di nabuo ng #bagongrecruitNiCupcake #tiktok #goodvibes,” caption pa nga rito ng beteranong aktor.

“I need to practice my moves first,” ang natatawang komento naman dito ni Ruffa.

Tawang-tawa naman ang mga netizen sa ginawang ito ni Ruffa. Bentang benta sa mga ito ang pa-walk out ni Ruffa na ang sosyal pa rin umanong tingnan.

Saad pa ng ilang mga netizen, cute na cute umano sila kay Ruffa noong hindi na ito nakasabay sa steps ng mga kasama. Sa naturang Tiktok video, ginawa nina Ruffa at ng kanyang mga kasama ang sikat na ‘armpit challenge’ ng Tiktok.

Heto pa ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen sa nakakatawang Tiktok video na ito nina Ruffa:



“Hindi kinaya ang steps… Hahahaha”

“Hahahaa ang kulit ni Ruffie e kahit sosyal nakikisali rin!”

“Very eager si Ruffa nung una then biglang umalis hehe”

“Pag rich yung tiktokerist, Miss Ruffa be like…”

“Idol Ruffa… Buti nalang talaga maganda ka… I luv it!”

“Unang bumigay magsayaw si Miss Ruffa, una ding natapos.”

Si Ruffa ay kasama ngayon ni Gardo at ng iba pang mga artista dahil sa bagong proyekto na kanilang ginagawa. Kamakailan lang ay nahilig ang aktor sa pagti-Tiktok na ikinatuwa naman ng mga netizen dahil nakikita nila ang galing nito sa pagsayaw. Namamangha ang mga ito kay Gardo na hindi nahihiyang ipakita ang kanyang mga dance moves sa Tiktok.

Maliban sa nakakaaliw na Tiktok videong ito na ibinahagi ni Gardo Verzosa, padami na ng padami ang mga artista na napapasama at nare-recriuit nito sa kanyang mga Tiktok dance video. 

Ang pinakabago nga sa mga ito ay ang mga artistang pinaka nirere-request na makumbinse niya; ang tambalang Kathniel. Napasayaw lang naman ni Gardo si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa isang Tiktok video na talagang ikinatuwa ng marami.

Viral din agad ito sa social media at kinaaliwan ng mga fans na hindi makapaniwalang nakumbinse ni Gardo si Daniel na sumayaw. Tanong nga ng mga ito sa beteranong aktor, paano umano nito napasayaw si Daniel na bihirang-bihirang makita ng publiko na sumayaw.


Karamihan sa mga Tiktok video na ito ngayon ni Gardo ay kuha habang nagtetaping ito kasama ang KathNiel at iba pang cast sa pinakabago nilang handog na proyekto, ang digital movie series na ‘The House Arrest of Us’. Pasilip ang mga Tiktok video niyang ito sa behind the scenes ng ginagawa nilang digital movie series.

Source: Instagram

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment