Ayon sa ilang mga larawan na ibinahagi ni Markus Patterson sa kanyang Instagram stories nito lamang ika-22 ng Oktubre, mukhang nanganak na ang girlfriend nito at ang aktres na si Janella Salvador.
Sa naturang mga larawan, makikita na kinunan daw ang mga ito sa loob ng isang ospital at nakahiga si Janella sa isang hospital bed. Bagama’t hindi malinaw kung siya nga ang naturang babae, maraming netizen ang nagsasabi na base sa buhok nito ay si Janella nga ang nasa naturang larawan.
Matapos nito ay nagbahagi rin si Markus ng larawan ng isang baby na kakapanganak pa lamang. Makikita ito na natutulog sa isang bassinet o newborn bed. Bagama’t hindi rin malinaw ang kuha ni Markus, hula ng mga netizen ay lalaki raw ang anak na ito nina Janella at Markus.
Ngunit, ilang sandali lamang matapos maibahagi ang naturang mga larawan ay agad na binura ni Markus ang mga ito sa kanyang IG stories. Ngunit, sapat na ito upang maraming mga netizen ang makakuha ng ‘screenshot’ ng naturang mga larawan.
Ayon sa mga netizen, baka raw aksidente lamang na naibahagi ni Markus ang naturang mga larawan kaya agad niya rin itong tinanggal o binura. Baka raw hindi pa handa ang mga ito na ihayag ang balita na umano’y nanganak na nga ang 22 taong gulang na singer at aktres.
Sa sobrang saya raw umano ni Markus ay baka hindi nito napigilan ang sarili na ibahagi kahit sandali ang naturang mga larawan sa social media. Baka rin daw nakalimutan nito na ibahagi lamang ang mga larawan sa ilang mga tao lamang.
Gayunpaman, dahil sa mga spekulasyong ito ng panganganak ni Janella ay nagpaabot na ng pagbati ang maraming mga netizen para sa aktres at kay Markus. Kahit hindi hayagang inihayag ng dalawa ang tungkol dito, masaya ang mga taga-suporta nila para sa bagong biyaya na ito kina Janella.
Kung matatandaan, nitong Setyembre lamang nang tuluyang inihayag at kinumpirma nina Markus at Janella ang tungkol sa kanilang relasyon bagama’t matagal na itong spekulasyon sa kanila.
Matapos nito ay agad ring kumalat ang balita na nagbubuntis umano si Janella kaya nasa UK ito ngayon kasama ang pamilya ni Markus. Mas lumakas pa ang spekulasyong ito ng pagdadalang tao ni Janella nang lumipad papuntang UK ang mommy nito na si Jenine Desiderio.
Mayroon din umanong kaibigan si Janella na tuluyan nang kinumpirma na nagbubuntis nga ang aktres at singer. Ayon sa naturang source, nitong Oktubre raw nakatakdang manganak ni Janella sa UK.
Ang mga balitang ito ay walang anumang kumpirmasyon galing kay Janella at Markus o sa panig ng mga ito. Ilang mga malalaking news site naman ang humingi ng kanilang pahayag tungkol sa isyu ngunit, walang naging tugon ang mga ito.
Gayunpaman, kahit hindi raw kinumpirma nina Janella ang tungkol sa pagkakaroon na nito ng anak, suportado ito ng kanyang mga taga-suporta at masaya ang mga ito para kay Janella. Ani ng mga ito, ang importante raw ay ang kasiyahan ng aktres at nasa mabuti ngayon ang kanyang kalagayan.
Source: trendzph
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment