Wednesday, October 21, 2020

Pope Francis, Inendorso ang Same-sex Civil Union: “Homesexual people have the right to be in a family.”


Sa dokumentaryong ‘Francesco’, isang makasaysayang hakbang ang inihayag ng pinakamataas na lider ng simbahang Katolika tungkol sa same-sex union.

Sa unang pagkakataon, inihayag ni Pope Francis ang kanyang suporta sa pagbuo sa same-sex civil union law dahil ayon sa Santo Papa, ang mga same-sex couple ay mayroong karapatan na magkaroon ng pamilya.

“Homosexual people have a right to be in a family. They're children of God and have a right to a family. Nobody should be thrown out or be made miserable over it… What we have to create is a civil union law. That way they are legally covered,” pahayag pa ni Pope Francis.

Bagama’t minsan na rin itong inendorso dati ni Pope Francis, ito ang unang pagkakataon na hayagan niya itong sinabi sa publiko at klaro ang kanyang mensahe.

Si Pope Francis din ang kauna-unahang Santo Papa na naghayag ng kanyang suporta para sa same-sex civil union na isang kontrobersyal na paksa sa simbahang Katoliko.

Bago pa man maging Santo Papa, minsan nang iminungkahi ni Pope Francis ang same-sex civil union bilang alternatibo sa same-sex marriage ng mga homosexual couples noong ito ay arsobispo pa lamang ng Buenos Aires.

Sa ilang mga panayam nito dati, minsan na rin nitong inihayag na hindi ito tutol sa same-sex civil union ngunit, ito ang unang pagkakataon na hayagan ang ginawa niyang pagsuporta rito.


Sa naturang dokumentaryo na inilabas sa Roma nito lamang Miyerkules, nagsalita si Pope Francis tungkol sa mga kinakaharap ngayong mga isyu sa mundo tulad ng mga problema sa kalikasan, kahirapan, at diskriminasyon.

Mapapanood din sa dokumentaryo ang mga pinagdaanan ni Pope Francis sa loob ng mahigit pitong taon nito bilang isang Santo Papa, kabilang na rin ang mga kinaharap nito bilang lider ng simbahang Katoliko. 

Ang hakbang na ito ni Pope Frnacis na pagsuporta sa civil-sex union ay malaking balita lalong lalo na sa mga miyembro ng LGBTQ+ community.

Ilang mga miyembro ng simbahan ang naghayag din ng suporta sa pahayag na ito ni Pope Francis na ayon sa kanila ay isang positibong mensahe para sa mga miyembro ng LGBTQ+ community.

Kabilang sa mga ito ay si Rev. James Martin, isang Jesuit priest na kilalang nagtataguyod ng adbokasiya tungkol sa dapat ay pagiging bukas ng simbahan sa mga miyembro ng LGBTQ+ community. Pinuri nito ang nasabing hakbang ni Pope Francis na umano’y isang malaking hakbang para sa tuluyang pagbubukas ng simbahang katoliko para sa mga miyembro ng LGBTQ+ community.

“Pope Francis’s support for same-sex civil unions is a major step forward in the church’s support of LGBTQ people. It is in keeping with his pastoral approach to LGBT people, including LGBT Catholics, and sends a strong signal to countries where the church has opposed such laws,” saad pa nito.

Isa rin sa mga sikat na personalidad na nahayag ng kanyang tuwa tungkol sa hakbang na ito ni Pope Francis ay ang Hollywood celebrity na si Ellen Degeneres. Sa Twitter, pinasalamatan nito ang Santo Papa para sa paghahayag nito ng kanyang pananaw.


“Thank you, Pope Francis, for seeing love for what it is,” saad ni Ellen.

Source: metro


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment