Thursday, October 29, 2020

Kim Chiu, Trending Matapos Aksidenteng Mabanggit si Julia Barretto sa It’s Showtime


Taon daw talaga ni Kim Chiu ang 2020 matapos ang ilang beses nitong pagte-trending ngayong taon. 

Kamakailan lang, muli na namang naging trending ang aktres dahil sa aksidenteng pagkakabanggit nito sa pangalan ni Julia Barretto habang ginagawa ang kanyang ‘funishment’ sa ‘Mas Testing’ segment ng It’s Showtime.

Sa naturang segment, ang napiling parusa ng mga host para kay Kim ay ang i-like daw nito ang ika-20 at ika-24 na larawan ni Gerald Anderson sa Instagram. Si Gerald ay kilalang loveteam at ex-boyfriend ni Kim mula pa noong kakalabas pa lamang nila sa PBB.

Noong una ay nagprotesta pa si Kim sa parusang ito sa kanya ng mga host. Pagbubunyag pa nga ni Kim, hindi nga raw nito pina-follow sa Instagram ang aktor.

“Hindi ko nga pina-follow ‘yun, e… Bakit n’yo naman isasali ‘tong taong ‘to? Nananahimik na kami, ah! Isang dekada na ang nakalipas,” ani pa ni Kim.

Dito, nakakatawang kinausap pa ni Kim ang kanyang boyfriend na si Xian Lim tungkol sa gagawin niyang parusa. Ani ni Kim, ‘wag daw sana itong magalit dahil laro lamang ito.

“Hi, Xi! Nanonood ka ngayon. This is just a game! Xi, alam mo naman ang totoo. Kung nanonood ka man ngayon, ito ay sadyang katuwaan lamang… Baka mag-away pa kami ni Xian Lim,” saad pa rito ni Kim.

Sa kabila ng kanyang protesta ay wala na ring nagawa si Kim kundi i-like ang mga larawang ito ng ex-boyfriend sa Instagram. Pagrereklamo pa nga ulit nito,


“Bakit ko pa kailangang i-click? Diyusko naman! Isang dekada na ang lumipas. Hindi pa rin natin nakakalimutan ito!”

Matapos na i-like ang isang larawan ni Gerald, aksidenteng nabanggit ni Kim ang pangalan ni Julia na siya namang ikinagulat ng mga host na kasama. Kaswal na saad pa ni Kim tungkol dito,

“Tapos pagbukas mo rito, nandito si Julia Barretto.”

Dahil dito kaya biglang tumahimik sandali ang studio at walang nasabi ang mga host na sina Vice dahil sa pagkabigla sa sinabing ito ni Kim. Nakakatawa naman ang naging reaksyon ni Kim na napatanong na lamang kung bawal daw ba ang kanyang nasabi.

“Ay bawal ba… sorry,” saad pa nito sabay ng isang ‘peace sign’.


Bawi naman ni Kim dito, “Ay! Si Bea Alonzo pala!”

Ang reaksyon na ito ni Kim at aksidenteng pagkakabanggit sa pangalan ni Julia ay agad naman na naging trending sa Twitter na agad nai-repost ang video clip ng naturang pangyayari sa It’s Showtime. Depensa naman ni Vice sa sinabing ito ni Kim, wala naman daw itog sinabing masama.

Gaunpaman, bentang-benta sa mga netizen ang naging reaksyon dito ni Kim at ng iba pang mga host sa aksidenteng pagkakabanggit daw nito rito ng pangalan ni Julia. Kaya naman, tanong ngayon ng mga netizen, ibinuking nga raw ba ni Kim sina Julia at Gerald?

Heto ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizen tungkol dito,

“Kim Chui name dropping to Julia Barretto.. Gerald Anderson’s IG! Opsssss!!!”

“Kim Chiu just spilled some tea today HAHAHAHAHH!”


“loool 2020 is definitely Kim Chiu's year... lmaoooo Kim just outed Gerald and Julia B. Vice and Vhong's reaction gave it all!”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment