Saturday, October 17, 2020

Makaganda, Ipina-Tulfo si Merck; Kwintas na Bigay ni Merck, Peke raw Ayon sa Pawnshop!


Nakikitira na lamang ngayon si Caffey Namindang o Makaganda sa kanyang kaibigan matapos niyang ilantad ang mga kasinungalingan ng vlogger na si Christian Merck Grey at kanya itong isinumbong sa programa ni Raffy Tulfo.

Ayon kay Makaganda, nagtatago umano ngayon ang vlogger at dating fiance na hindi rin pumayag na lumabas sa programa ni Tulfo.

Walang-wala ngayon si Makaganda at nakikitira na lamang muna sa kanyang kaibigan dahil hindi raw nito kayang makita na palaging umiiyak ang kanyang nanay dahil nga sa pinagdaanan nila kay Merck.

Dahil walang trabaho at dahil din kay Merck kaya hindi na ito nag-aaral ay hirap ngayon sa panggastos si Makaganda na ultimo wifi raw nila ay hindi nito mabarayan. Kung matatandaan, minsang ibinahagi ni Makaganda na kahit palagi itong kasama ni Merck sa vlog ay maliit at minsan lamang kung magbigay ito ng pera sa kanya.

Upang kahit papaano ay magkapera, nagpunta sa sanglaan si Makaganda upang isangla ang engagement ring na ibinigay rito ni Merck. Ayon dito ay sinabi raw ng vlogger na Php 170,000 ang bili niya sa naturang singsing ngunit, kasinungalingan lang din ito dahil Php 35,000 lang nito nabili ang nasabing singsing.

“Nagsasangla po ako ng alahas, ‘yung engagement ring po namin na sinabi niya po Php 170,000 po ang bili niya. ‘Yung totoo po, Php 35,000 lang po pala ‘yun…


“Naisangla ko na po, sir. Php 8,000 lang po. ‘Yun na po ‘yun. Sagad no po ‘yun, sir,” kwento pa ni Makaganda.

Maliban dito, balak din daw sana ni Makaganda na isangla pati ang iba pang alahas na bigay sa kanya ng vlogger. Ngunit, hindi umano ito tinanggap ng sanglaan dahil hindi totoo ang alahas. Ang sabi raw sa kanya ni Merck ay totoo ang alahas at nabili niya ito sa halagang Php 20,000.


Sa ngayon ay minamaneho ni Makaganda ang kotse na nakapangalan daw kay Merck. Ngunit, ang ipinambili rito ay ang naging kita nila sa pagv-vlog kung saan, magkasama silang nagtiis habang pinag-iipunan pa ang pambili sa naturang sasakyan.

Bagama’t nakapangalan ang naturang sasakyan kay Merck, hindi naman daw ito magagamit ng huli laban kay Makaganda dahil mayroong mga ebidensyang nagpapatunay na silang dalawa ni Makaganda ang nagsikap na kumita ng perang ipinambili nito.

“Hindi ko po nakikita na may report siya na gawin ‘yun. First of all dahil ang ipinambili niya d’yan is joint effort nilang dalawa… dahil wala namang ibang source of income itong nirereklamo niyang lalaki other than their vlogs…

“Then, sa vlog, nakita naman natin na mostly nga ang content nanggagaling sa ating complainant. So, huwag siyang magmamayabang na sa kanya nakarehistro ‘yan dahil presumptive lang ‘yun,” pahayag pa nga ni Atty. Garreth Tungol tungkol dito.

Handa namang magbigay ngayon ng tulong si Tulfo para mayroong panggastos ni Makaganda ngunit, kailangan muna nitong bumalik at tumira kasama ang kanyang pamilya.


Ayon naman kay Makaganda, sa kabila ng mga opinyon sa social media na ihihinto raw nito ang kaso para kay Merck, buo umano ang loob nito na sampahan ng kaso ang dating fiance at hindi na magbabago ang isip niya.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment