Saturday, October 17, 2020

Isang Kandidata sa Miss Universe Philippines 2020, May Attitude Problem Daw?


Mabigat ang naging paratang ng make-up artist na si Joseph ‘Dodong’ Bangkat kay Miss Universe - Philippines 2020 candidate na si Mariam Lara Ashraf El Hamid. Ani ni Joseph, mayroon umanong attitude problem ang kandidata.

Ayon sa isang ulat na ibinahagi ng ‘Bombo Radyo Roxas’, mayroong inilabas na pahayag ang make-up artist, na kilala rin sa tawag na Mama Dongs, tungkol kay MUP - Capiz na umano’y mayroong attitude problem at sa pagiging ‘unprofessional’ daw nito.

“Ang korona ilagay sa ulo at isapuso dahil hindi yan ang ‘True’ Filipina kung pangit ang ugali mo dahil kung may ‘attitude problem’ ka bawal yan sa MUP. Ang pagiging beauty queen ay total package, hindi lang ganda kundi pati narin ang panloob na katangian ng isang kandidata,” ani pa ng make-up artist.

Si Mama Dongs ang siyang naatasan na maging official make up artist ni Mariam para sa prestihiyosong pageant. Bago pa man ito, si Mama Dongs ay kilala nang make-up artist ng mga sikat na artista kung saan niya nga nakuha ang naturang palayaw.

Ilan lamang sa mga inayusan na dati ni Mama Dongs ay ang mga sikat na celebrity at beauty queen na sina Miss World 2013 Megan Young, First Reina Hispanoamericana Filipinas Teresita Ssen ‘Winwyn’ Marquez,  Lovie Poe, Katrina Halili, Tom Rodriguez, Alden Richards, Camille Prats, Joyce Ching, Jennylyn Mercado, Barbie Forteza, at iba pa.

Matapos daw ang naging kasunduan ng make-up artist sa MUP - Capiz organization sa pangunguna ni Mr. Cocoy Vidal, pumayag ito na maging make-up artist ng kandidata na nagrerepresenta sa Capiz. Ito ang naatasang mag-make up kay Mariam sa lahat ng event ng MUP 2020.


Ngunit, ilang beses na umanong pinakita sa kanya ng beauty queen ang attitude problem nito at pagiging unprofessional. Ayon sa make-up artist, ngayon lamang umano siya nakaranas ng ganitong uri ng pag-uugali sa kanyang inaayusahan.

Minsan, pinaghintay umano siyang ng ilang oras ni Mariam sa isang hotel sa Makati City. Panay raw ang naging text at tawag niya sa kandidata ngunit hindi siya pinansin nito. Wala umano sa oras ang pagdating doon ni Mariam at pinaghintay pa siya nito ng matagal.

Hindi umano makayanan ni Mama Dongs ang attitude problem ng kanyang inaayusahang kandidata at dagdag pa rito ang pagiging unprofessional ni Mariam.

Masama ang loob niya sa ipinapakita nito dahil hindi lang naman umano ito ang tanging tao na kanyang pinagkakaabalahan at inaayusan. Maliban dito, mayroon din umanong inaasikasong mga photoshoot at taping si Mama Dongs kung saan, siya ang nagmemake-up sa mga bigating artista mula sa isang giant TV network.



Naaapektuhan umano nito ang kanyang trabaho kaya naman, ganito na lamang ang naging pahayag niya tungkol sa kandidata.

Gayunpaman, bago mag-Oktubre ay mayroong mga ulat na lumabas kung saan isinasaad ang pag-atras ni Mariam sa prestihiyosong pageant. Marami naman ang nalungkot sa balitang ito lalong lalo na ang mga nag-abang para sa kandidata.


Sa darating na Linggo, ika-25 ng Oktubre, ay magaganap na ang pinaka-inaantay na grand coronation ng unang edisyon ng Miss Universe - Philippines 2020 na mapapanood sa GMA. Mahigit 40 na naggagandahang kandidata ang nakatakdang maglaban para sa inaasam na korona.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment