Sa kabila ng sitwasyon, walang sinasayang na oras ang estudyanteng ito na nakunan ng larawan habang sumasagot sa kanyang module sa gitna ng pagtitinda nito ng balut.
Maraming mga netizens ang napahanga sa mga larawang ito na ibinahagi ni Vanessa Tranquilo Belonio. Nakunan umano ni Belonio ang naturang mga larawan sa harapan ng isang convenience store sa Victorias City, Negros Occidental.
Sa gitna ng gabi, sa pamamagitan ng maliit na liwanag para sa kanyang kariton, at habang nagbabantay ng kanyang panindang balut, tahimik na nagbabasa at sumasagot ang lalaking ito sa kanyang module.
“Kudos sa bata nga gabaligya balut sa atubang 7 Eleven Victorias. Ga'answer sya module while gabaligya. Ahay. God Bless you,” ani pa rito ng netizen.
[Kudos sa bata na nagtitinda ng balut sa harap ng 7 Eleven Victorias. Nag-answer siya ng module while nagtitinda. Ahay. God Bless you.]
Agad naman na naging trending ang Facebook post na ito ni Belonio at umani ng iba’t-ibang mga komento mula sa mga netizen.
Dito, tumanggap ng mga papuri ang naturang lalaki dahil sa pagsisikap at dedikasyon na ipinapakita nito para sa kanyang pag-aaral. Ani ng marami, ito umano ang dapat na tularan ng iba pang mga estudyante na panay ‘rant’ at reklamo ang ginagawa sa social media.
Saad ng karamihan, malayo ang mararating ng mag-aaral na ito dahil sa kanyang pagsisikap sa kabila ng kondisyon nito sa buhay.
Para naman umano sa iba pang mga mag-aaral, sana raw ay kapulutan ng aral ang sitwasyong ito ng lalaking nasa larawan na kahit sa gitna ng pagtatrabaho, habang may pagkakataon ay binibigyang tuon nito ang pag-aaral.
Hindi umano ito katulad ng ibang mga kabataan na kompleto sa kagamitan at may mas maayos na buhay ngunit panay ang reklamo tungkol sa mga ipinapagawa at pinasasagutang modules ng mga guro.
Sana raw ay matutunan nila mula sa lalaking ito kung paano maglaan ng oras sa pag-aaral kahit na maraming mga pagsubok o paghihirap na daraanan.
Sa kabilang banda, naipatupad sa mga paaralan ang online class at modular learning matapos na ipagpatuloy pa rin ng DepEd at pamahalaan ang pagbubukas ng klase sa gitna ng nagaganap na pandemya.
Sa bagong sistema na ito ng modular learning, hindi magkakaroon ng regular na klase ang mga estudyante sa paaralan dahil ihahatid na lamang ng mga guro ang mga learning modules sa bahay mismo ng mga estudyante.
Bagama’t nandiyan pa rin ang mga guro upang umagapay at magturo sa mga estudyante, kinakailangan ng mga ito ang tulong ng mga magulang para turuan ang kanilang mga anak sa kanilang mga tahahan. Ngunit, hindi lahat ng mga magulang ay napagtutuunan ng pansin ang kanilang mga anak kaya naman, kinailangang mas pagtuunan ito ng pansin ng mga guro.
Pagsubok naman ito sa mga guro na kinailangang gumawa at kailangang ihatid sa bawat bahay ng kanilang mga mag-aaral ang mga modules, gaano man ito kalayo. Problema rin ng mga ito ang mga bond paper na lubos na kailangan nila para makapag-print ng modules.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment