Matapos nina Donita Nose, Ogie Diaz, manager ni Tekla, at maging ang dating kalive-in ni Tekla na ina ng kanyang panganay, ilang mga kaibigan pa ng komedyante ang lumitaw at naglabas ng kanilang mga pahayag upang ipagtanggol si Tekla mula sa akusasyon sa kanya ng live-in partner nito.
Una nang inihayag nina Donita Nose ang mga bisyo raw ni Michelle Lhor Bana-ag tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na dr*ga na siyang dahilan kung bakit noon pa man ay sinasabihan na nila si Tekla na hiwalayan na ito.
Sa bagong pahayag ng umano’y manager ng Klownz Comedy Bar na si Marlon Limpin kung saan nagtrabaho rin si Tekla, ibinunyag nito ang ginawang panloloko ni Michelle hindi lamang sa komedyante kundi sa kanila na rin.
Madalas daw nitong gamitin ang cellphone ni Tekla at magpakilalang ang komedyante upang manghiram ng pera sa kanila. Hindi lamang daw si Marlon ang naloko nito kundi maging sina Donita Nose at Boobay.
Maliban dito, madalas din daw nitong ninanakawan ng pera ang komedyante. Ang napupuntahahan daw ng perang ito na hinihiram at ninanakaw ni Michelle ay sa bisyo nito sa pagsha-sh*bu at pagsusugal.
“Gagamitin niya phone ni Tekla habang tulog at itetext ako na nanghihiram ng 20k. Akala ko si Tekla…, ‘yun pala ikaw lang Michelle ang kausap ko at napahiram pa kita tapos isusugal mo lang at pangsha-sh*bu.
“Ilan na ba kami niloko mo. Ultimo si Boobay, Donita Nose, at manager ni Tekla ginawa mo rin ‘yan gamit phone ni Tekla…
“Ito pa, nagbook ka ng show sa inquiries sa phone ni Tekla at kukunan mo lang ng down [payment]. Ang kawawa, si Tekla sa kahihiyan at ibabalik niya ang mga pera na ginalaw mo. Kawawa [si] Tekla,” mabigat pang pasabog ni Marlon tungkol kay Michelle.
Bago ito, isa ring kaibigan at katrabaho ni Tekla na kilala rin ang naghayag ng kanyang nalalaman tungkol sa tunay na pagkatao ni Michelle. Ito ay si Rowell Quizon na isa ring performer at kilalang apo ni comedy king Dolphy.
Ayon kay Rowell, ‘tomboy’ umano si Michelle na sa katunayan ay mayroon umanong girlfriend. Ngunit, lahat ng ito ay tinanggap daw ni Tekla para maging masaya lamang ang live-in na mahal nito.
Saksi umano si Rowell sa mga panloloko ni Michella kay Tekla kaya ang kapal daw ng mukha nito para gawing masama ang imahe ni Tekla sa publiko. Saksi raw ito sa pagiging abusado ni Michelle na siya namang tinitiis ni Tekla.
“Mahal na mahal ka ni Tekla kahit abusado ka… Tang*na napaka-walanghiya mo.
“One time pumunta ka sa back stage, kinukulit mo si Tekla na nasa labas na ‘yung magdadala ng shabu . Inaaway mo pa si Tekla alam mong magso-show ‘yung tao. Sa kabila ‘nung galit ni Tekla, isinantabi niya yung inis.
“HINDI NAGKULANG SI TEKLA SAYO O SA INYO... SADAYANG ABUSADO KA LANG,” mabigat pang mga pahayag ni Rowell tungkol kay Michelle.
Dahil sa mga pagtatanggol na ito kay Tekla ng mga taong nakakakilala sa kanila, marami ang nagsasabi na pakinggan din daw ang panig ng komedyante dahil maaaring mayroong kasinungalingan sa mga bintang dito ni Michelle.
Ani ng mga ito, sana raw ay hindi nagagamit ang programa ni Raffy Tulfo para lamang magkapera sa pamamagitan ng paninira sa isang tao.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment