Saturday, October 24, 2020

Assunta de Rossi, Isinilang na ang Kanyang ‘Miracle Baby’



Matapos ang ilang taong paghihintay na magka-anak, isinilang na sa wakas ni Assunta de Rossi ang kanyang panganay at miracle baby nito lamang Biyernes, ika-23 ng Oktubre.

Nanganak ang aktres sa kanilang cute na cute na si baby Giulia Fiorentina Alessandra sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Ang balitang ito ay kinumpirma mismo ng aktres at kapatid ni Assunta na si Alessandra de Rossi sa isang Instagram post. Dito ay nagbahagi si Alex ng larawan ng kanyang kakasilang pa lamang na pamangkin. Ani rito ni Alex,


“This is the most beautiful photo for life! Little Fiore and tears of joy in my sister's eyes. Almost 20 years in the making! Miracles happen every day, and this one is the best! Congratulations @assuntaledesma @julesledesma and of course to the new granny na mas oa pa sa naganak, @ermatsko. THANK YOU, LORD!”

Isinilang ni Assunta ang kanyang baby sa pamamagitan ng elective cesarian section bandang alas 7 ng umaga ng nasabing araw. Maliban sa pahayag na ito ni Alex, ang nanay nila ni Assunta ay nagbahagi rin ng isang Instagram post para sa kanyang apo. Saad nito,

“Our bundle of joy. To hug and to hold from this day onward… Meet Giulia Fiorentina Alessandra Schiavone Ledesma Nickname: Fiore. Lola nako. Thank you Lord for this wonderful gift of life! Thank you @julesledesma for loving this beautiful #neomamma and to you Fiore, welcome to our world!!!”

Agad din naman na nagpaabot ng pagbati kay Assunta at sa asawa nitong si Jules Ledesma ang kanilang mga kaibigan. Ilan sa mga agad nagpaabot ng pagbati na mga kaibigan nila sa showbiz ay sina Anne Curtis, Angel Locsin, Alex Gonzaga, at Isabel Oli-Prats.


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ilang taong hinintay nina Assunta, 37, at Jules, 59, ang magkaanak dahil hirap ang aktres na magdalang tao. Ito ay dahil sa ‘myoma’ o isang non-cancerous tumor na tumutubo sa labas o paligid ng matris.


Halos 20 taon na silang mag-asawa ni Jules nang dumating na sa wakas sa kanila ang isang biyaya na matagal na nilang ipinagdarasal. Hindi akalain ni Assunta na magbubuntis pa ito kaya ganun na lamang ang saya nito nang malamang siya ay nagdadalang tao.

Nasa 14 weeks nang buntis is Assunta nang ibahagi niya ang magandang balita nito lamang buwan ng Mayo. Inanunsyo ito ni Assunta sa isang Instagram post kung saan, ibinahagi niya kung paano nito nalaman ang nakakagulat ngunit napakagandang balita.

“On March 5, 2020, I paid a visit to my OB-GYN after not seeing him for 3 plus years. Why? I had missed my period. An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking! 



“Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle! Anyway, what scares me now is I’m already on my 14th week, and I haven’t gained an ounce of weight…,” ani pa rati ni Assunta.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment