Tuesday, October 13, 2020

THROWBACK: Ang Nakakaaliw na Sagot Dati ni Kris Aquino sa Isang Basher


Bentang benta dati sa mga netizen ang naging sagot ni Kris Aquino sa isang basher na pumuna sa isa niyang post sa Instagram.

Sa naturang Instagram post, makikita si Kris kasama ng anak niyang si Bimby habang kumakain sa kanilang kama. Nang mga panahong ito ay ini-endorso pa ni Kris ang fastfood restaurant na ‘Chowking’.

Ngunit, isang netizen ang pumuna sa IG post na ito ni Kris dahil sa pagkain umano nitong habang nasa kama na isang hindi raw magandang gawain. Ani pa ng netizen na ito,

“‘Yan ba ang example mo ang kumain sa bed? May sakit ba kayo para dyan kumain… bakit hindi kayo sa kusina kumain. Be a good example!”

Bilang kilala rin na isa sa mga celebrity na hindi pinapalampas ang pambabatikos ng mga basher, sinagot ni Kris ang netizen na ito sa paraang animo’y nang-aasar pa umano rito.

“Omg-- parang may napatay na ko sa level ng galit mo-- can I send you chowking halo2 para you can chill?,” sagot pa ni Kris sa netizen.

Bentang-benta naman sa social media ang kalmado ngunit kakaibang sagot na ito ni Kris sa netizen na pumuna sa simpleng pagkain niya sa kama. Nakakatawa umano ang sagot ng ‘Queen of all Media’ para sa galit na galit na netizen sa kanya. Dagdag komento pa nga ni Kris tungkol dito,

“I used to ignore BUT sometimes you need to stand your ground, in this case, protect my bed and right to relax in my room.”

Ayon sa mga netizen, tama lamang umano ang ginawa ni Kris sa naturang basher na maging ang pagkain ni Kris sa kama sa kwarto nito ay pinapakialaman na rin. Bagay lamang umano ito sa mga taong walang magawa sa buhay kundi bantayan ang bawat galaw ng iba.


Maging ang mga ito raw ay hindi rin maintindihan kung bakit parang ‘big deal’ sa naturang netizen ang naturang larawan ni Kris sa kanyang Instagram. Sa kabila nito, ayon sa ulat ay tinotoo raw ni Kris ang sinabi nitong magpapadala siya ng halo-halo sa naturang basher na galit na galit sa kanya.

Dahilan ito para maging katuwaan ng mga netizen ang basher na ito at ang naging sagot ni Kris. Ani ng mga ito, sana raw ay padalhan din sila ni Kris ng halo-halo gaya ng ginawa nito sa kanyang basher.

Heto pa ang ilan sa naging komento ng mga netizen tungkol sa basher na ito sa IG post ni Kris:

“Out of curiosity sa nakita ko sa fb post kaya ako napasilip dito :) totoo pala si basher lol you go girl Ms @krisaquino… sarap kaya kumain sa bed!”


“OMG! To the highest level... that's why we love you so much, you're not fake... nagpapaka totoo ka lang palagi. What you see is what you get!”

“Ate @krisaquino pwede din ba kitang e-bash para ilibre mo rin ako? Hahahah.”

“I am not a super kaduper fan BUT Ms.Kris Aquino is on my list of people who have great wit and amazing clapbacks when needed.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment