Tuesday, October 13, 2020

UFO, Namataan Umano sa Davao?


Isang netizen mula Davao ang nagbahagi kamakailan lang sa Facebook ng ilang mga larawan kung saan, nahagip umano ng kanyang camera ang isang ‘unidentified flying object’ o UFO.

Ayon sa naturang netizen, kinunan daw nito ang naturang mga larawan sa isang tambayan sa Davao. Ito ay sa Catigan overview o tinatawag ding Toril overview. Dahil nga sa ganda ng tanawin sa lugar, agad siyang kumuha ng mga larawan nito.

Ngunit, hindi nito inaasahan ang isang misteryosong bagay na naghagip ng kanyang camera. Sa nasabing mga larawan, sa kalangitan makikita ang isang maliit at mayroong ilaw na bagay.

Ang higis ng naturang bagay ay katulad umano ng tinatawag ng karamihan na UFO. 

Mula nang maibahagi ng netizen ang Facebook post na ito, umabot na sa mahigit isang libo ang mga netizen na nag-share nito. Nag-iwan rin ang mga ito ng ibat’t-ibang mga komento at opinyon tungkol sa umano’y namataang UFO.

Kagaya ng netizen na kumuha sa larawan, hindi man makapaniwala ay maaaring UFO umano ang nakunan nito ayon sa ilan. Sa katunayan, mayroon pa ngang iba na planong puntahan ang lugar kung saan nakunan ang hinihinalang UFO.

Ngunit, mayroon ding iba na hindi naniniwalang isang UFO nga ang umiilaw na bagay sa langit sa viral na larawan. Ayon sa mga ito, maaaring bunga lamang umano ang naturang bagay ng repleskyon ng kamera.

Mayroon ding iba na nagsasabing baka raw isa lamang itong mataas na building sa di kalayuan. Hinala pa ng iba, baka drone camera lamang umano ang naturang bagay.


Gayunpaman, marami sa mga netizen na nag-iwan ng komento ay itina-tag ang programang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ na kilalang nag-iimbestiga ng ganitong mga kakaiba at misteryosong bagay na ipinalalabas nila sa kanilang programa.

Nais na malaman ng mga ito kung maituturing nga bang ‘UFO sighting’ ang nakunan sa nasabing viral na mga larawan.

Sa Pilipinas, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon kung saan mayroong hinihinalang UFO na namataan sa kalangitan. Ilang beses na rin na mayroong naiulat na mga taong nakakita umano ng isang misteryosong bagay na lumilipad sa himpapawid.

Isa sa pinakahuling naiulat tungkol dito ay nangyari sa Negros Occidental nito lamang 2019. Ayon sa mga residente ng lugar na nakakita ng naturang ilaw sa kalangitan, bigla bigla na lamang umanong sumusulpot ang naturang bagay sa lugar.

Maliban dito, mayroon na rin dating naiulat na UFO sighting raw sa General Santos, Pampanga, at Las Piñas. Gayunpaman, hindi pa napapatunayan kung talang UFO nga ang mga namataang bagay na ito.

UFO ang tawag sa umano’y sasakyan ng mga alien o mga nilalang mula sa ibang planeta. Sa lawak at laki ng kalawakan, hindi imposible na hindi lamang mga tao ang naninirahan dito. Kaya naman, marami ang naniniwala na totoo ang mga UFO sightings na inuulat at totoong mayroong mga aliens na napapadaan sa planeta.


Bagama’t wala pang napapatunayan sa mga ito, hindi lamang sa Pilipinas nangyayari ang mga tinaguriang UFO sightings kundi maging sa ibang bansa rin. Ilang beses ng gumawa ng imbestigasyon ang iba’t-ibang mga organisasyon tungkol dito ngunit wala pang lubusang napapatunayan tungkol sa mga UFO.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment