Tuesday, October 13, 2020

Libreng Laptop Repair Para sa mga Estudyante, Adbokasiya Ngayon ng Isang Programmer

Marami ang natuwa sa adobokasiyang ito ng 22 taong gulang na si Mark Anthony Perez na nagtatrabahong programmer at web developer sa isang unibersidad sa Tarclac.

Libre lamang kasi kay Mark ang mga estudyanteng magpapaayos ng kanilang mga sirang laptop na gagamitin para sa online class. Maliban dito, hinihikayat niya rin ang publiko na i-donate sa kanya ang mga sirang laptop nito na kaya niya pang ayusin upang maibigay niya rin sa mga nangangailan ng laptop.

“Nag-o-offer po ako ng free service para sa mga student na hindi kayang magpagawa ng mga sira nilang laptop,” ani pa ni Mark.

Ayon sa programmer, nagsimula umano ang adbokasiya niyang ito nang makakita siya online ng mga estudyante na nanghihingi ng donasyon o nagbebenta ng mga bagay para makabili ng laptop na gagamitin nila sa online class.

“Naaawa ako ‘dun. Sabi ko, why not magcreate ako ng ganitong campaign. Hihingin ko ‘yung mga sirang computers o laptop na hindi na ginagamit nung mga tao. Then, ita-try kong ayusin. Kapag naayos, ipamimigay ko sa kanila ng libre… 

“Naisipan ko na rin na mag-offer ng free service dun sa mga estudyante na naka-enroll this year. Aayusin ko ‘yung mga laptop nilang sira para may magamit sila,” pagbabahagi pa ni Mark.

Sa tuwing wala itong pasok sa trabaho tulad ng weekends o tuwing gabi, ang pag-aayos ng mga sirang laptop ang inaatupag ni Mark. Imbes na magpahinga, pinipili niyang gamitin ang oras sa mas makabuluhang bagay.

Nito lamang Agosto sinimulan ni Mark ang naturang adhikain ngunit, matapos lamang ang isang buwan ay nasa mahigit 100 estudyante na ang lumapit dito upang magpaayos ng kanilang mga sirang laptop o computer.


“Iyong pasok ko po, Tuesday to Friday… 7 am to 6 pm. Kapag gabi, tatambay po ako dito, mag-aayos. Then ‘pag weekend, after po ng church, gagawa na naman ako nito,” saad pa ni Mark.

Dagdag pa ni Mark, hindi lamang umano mga taga-Tarlac na mga estudyante ang humihingi rito ng tulong kundi maging ang mga estudyanteng mula pa sa ibang mga probinsya tulad ng Pampanga, Pangasinan, at Nueva Ecija.

Noong nag-aaral pa lamang si Mark, dati itong eskolar ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng gobyerno kaya naman, ang paraan ng pagtulong niyang ito sa mga nangangailangan ay kanya umanong pamamaraan upang maibalik ang natanggap niyang tulong noon.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagtulong na ito ni Mark sa mga estudyante at patuloy din itong nananawagan sa mga taong nais magdonate sa kanya ng kanilang mga sirang laptop. Ani pa nga ni Mark tungkol dito,

“Ini-encourage ko rin po ‘yung mga tao na mayroon pong mga sirang laptop, o mga laptop na hindi na nila ginagamit na idonate po sa akin para po maayos ko and mai-donate ko sa mga bata na wala pong gamit na laptop.”

Suportado naman si Mark ng kanyang nanay na si Sonya Perez na proud sa kabutihang ipinapamalas ng anak. Di bale na umanong walang kitain ang anak sa pagre-repair ng naturang mga laptop, ang mas importante raw ay ang mabuting hangarin ni Mark na makatulong sa kapwa.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment