Tuesday, November 3, 2020

Aktres , Isa na Ngayong Sergeant ng Philippine Air Force


Isa na ngayong sergeant sa ilalim ng Philippine Air Force Reserve (PAFR) Command ang aktres na si Arci Muñoz .

Nito lamang Linggo, ika-25 ng Okubre, natapos ni Arci ang tatlumpung araw na pagsasanay nito ng Basic Citizen Military Training. Sa Instagram, inihayag ni Arci ang tungkol dito kung saan, masaya ang aktres sa pagtatapos niya sa malaking pagsasanay na ito.

“I made it! I just want to say I’m very proud of myself for finishing such a great feat. Training with the military was really tough specially with a pandemic looming. I did things I didn’t know I would (and could). 

“Getting here hasn’t been traversed overnight; although what I went through is nothing compared to my colleagues—I feel great admiration for them. I also found myself humbled and it made me gain a renewed self respect. 

“That being said, I hope that I’ll never have to use what I learned for violence instead be an inspiration for many to have a sense of comradeship so we can all live in peace,” ani ni Arci.

Ayon kay Arci, habang buhay niyang papahalagahan ang mga natutunan nito sa naturang pagsasanay. Sa ilalim ng naturang pagsasanay ay natutunan ni Arci ang ‘basic knowledges and skills in soldiery’.

“I will forever cherish and hold on to the learnings and core values that this institution instilled. I will remain a snappy composure and continue to serve in the best interests of my nation.


“Sincerely yours Sergeant Ramona Cecilia Datuin Munoz,” proud na pahayag pa ni Arci.

Nagbahagi din ng mga larawan sa pagtatapos ni Arci ang official Facebook page ng PAFR. nangyari ang pagtatapos na ito ng aktres sa  Gaerlan Auditorium, HAFRC, Clark Air Base in Pampanga. Saad pa rito,


“Ms Arci Muñoz is now Sgt Arci Muñoz PAFR! Sgt Ramona Cecilia D Muñoz PAFR completed the Basic Citizen Military Training on 25 October 2020 at Gaerlan Auditorium, HAFRC, Clark Air Base, Pampanga.

“Sgt Muñoz PAFR, under the supervision of 1st Air Reserve Center, learned the basic knowledges and skills of soldiery. For thirty training days, she underwent HADR training, marksmanship training, Obstacle Course, Field Training Exercise (FTX) and other activities that prepared her for her future roles as a Reservist of the Philippine Air Force.”

Marami naman ang humanga kay Arci dahil sa pagsailalim niya sa naturang pagsasanay. Mas humanga pa kay Arci ang mga ito dahil sa tapang ng aktres na sumailalim sa mahirap na pagsasanay na ito.

Umani din ang aktres na mga paghanga at pagbati mula sa mga kaibigan at kasamahan niya sa industriya.



Sinimulan ni Arci ang kanyang pagsasanay sa PAFR noon pang Hunyo. Ayon kay Arci, ito ang kauna-unahang babae mula sa kanyang larangan na sasailalim sa ganitong pagsasanay. Hinikayat din dito ni Arci ang iba pa subukan ding magsanay para rito.

Maliban kay Arci, ang ilan pa sa mga personalidad na sumailalim din sa pagsasanay upang maging reserve force ng militar ay sina Matteo Guidicelli, Dingdong Dantes, at JM de Guzman.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment