Tuesday, November 3, 2020

Yes sa ABS-CBN Shutdown Ngunit Nag-Audition sa PBB? Pwede raw Ayon kay Ogie Diaz!


Muli na namang nagbubukas ang pinakasikat na bahay sa bansa, ang Pinoy Big Brother house. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang ianunsyo ni Kuya ang muling pagbubukas ng kanyang bahay at paghahanap nito ng mga bagong PBB housemates.

Kaya naman, dumagsa agad ang mga nagnanais na makapasok sa bahay ni Kuya at matupad ang kanilang mga pangarap. Sa loob lamang ng tatlong araw, halos umabot agad sa 40,000 ang mga nag-audtion para rito.

Kaugnay nito, naging trending naman sa social media ang mga netizen na dati raw ay naki-yes sa nangyaring shutdown ng ABS-CBN ngunit ngayon ay nagsumite at nagbakasali na makapasok sa PBB house.

Umani ng pambabatikos ang mga ito lalong-lao na sa mga loyal fans ng TV network. Isa nga sa mga pinaka nagtrending na nag-audtion ngayon sa PBB ngunit naki-shutdwon dito dati ay ang isang Maglangit Bachiller Arjie.


Mukhang proud pa ang netizen na ito sa mga pamumuna sa kanya sa social media dahil daw sa pag-aaudition nito kahit gusto niyang magsara ang ABS-CBN. Ayon sa kanya, gusto niya raw na itama ang mali kapag nakapasok ito sa bahay ni Kuya. Kahit gustong sumali sa PBB, hindi pa rin ito maawat sa pambabatikos sa nagsarang TV network.


“Yehheyyy! Sikat na sikat na ako. Pag ako nakapasok sa PBB, itatama ko ang mali… dito mo makikita ang mga tao kung gaano namumulitika. So ibig sabihin pag DDS ka bawal ka sumali. Ganun ba ‘yun? Hahaha natatawa ako kasi dito palang pinakita na nila ‘yung ugali nila…

“Eh baka talaga mas ok na nawala talaga network niyo. Bakit eh gusto ko sumali eh. Wala naman kasi PBB sa GMA at channel 5,” matapang pa nitong ani.

Dahil sa mga sinabing ito ng nasabing netizen kaya umani ito ng kabi-kabilang mga pambabatikos. Hindi raw kinaya ng mga ito ang yabang ng naturang netizen at ang kakapalan daw ng mukha nito. Sa ugali umano nito ay siguradong hindi na raw papasa ang naturang netizen.

Kaugnay pa rin ng ganitong pangyayari, maging si Ogie Diaz ay naglabas din ng kanyang opinyon tungkol sa mga taong ito na naki-yes sa ABS-CBN shutdown ngunit nagbabakasakali ngayon sa PBB audition.

Ayon kay Ogie, pwede naman daw na sumali ang mga ito dahil aniya, baka kailangan din daw kasi ni Kuya ng mga housemates na ‘makapal ang mukha’. Maaari kasing isa rin umano ang katangian na ito sa mga hinahanap ni Kuya para kanyang maging housemate. 

“Yung mga nag-o-audition sa PBB, pero me nakaraang post ng ‘yes to shutdown’, pwede rin ha? 


“Iba-ibang attitude naman ng housemates ang hinahanap ni Big Brother. Me isang mabait, isang mahinhin, isang masungit, isang maarte, isang social climber, isang maangas, isang bully, magandang lalake, magandang babae, simple, isang heartthrob. 

“Kung maraming sumali na nag-post ng ‘yes to shutdown’, maaaring isa diyan, kunin ni Kuya. Kasi, sa loob ng Big Brother house, kailangan din ng isang ‘makapal ang mukha’,” saad pa ni Ogie sa isang Facebook post.

Source: KAMI


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment