Thursday, November 5, 2020

Buboy Villar, Muntik Hulihin ng Barangay Matapos I-prank si Jelai

Trending ang ginawang prank ni Buboy Villar sa kanyang kapwa vlogger na si Jelai Andres kung saan, nagpanggap lang naman ito bilang taong grasa para takutin ang huli. Ngunit, mayroong hindi inaasahang pangyayari sa bandang huli ng vlog na ito na talaga namang nagpakaba sa vlogger.

Sa naturang vlog, makikita ang ransformation ni Buboy bilang taong grasa na talagang nagpatakot kay Jelai. Mula sa buhok, damit, at sa dumi ng kanyang katawan, hindi makikilala ng sinuman na si Buboy pala ito kaya naman sobrang natakot sa kanya ang kanyang biktimang si Jelai.

Habang nasa loob ng sasakyan, hindi halos mapakali si Jelai dahil sa taong grasa na umaaligid sa kanilang kotse. Wala itong kaalam-alam na kasabwat ni Buboy ang kanyang mga kasama sa loob. Kaya naman, panay rin ang pang-aasar ng mga ito kay Jelai sa pamamagitan ng pagbubukas sara ng bintana.

Sa pag-aakalang mapapatigil daw nito ang taong grasa, binigyan pa nina Jelai ng pagkain si Buboy kasi nga raw ay gutom lamang ito. Ngunit, bumalik pa rin si Buboy at patuloy na tinakot ang vlogger.

Dahil dito kaya nag-aya na si Jelai na isumbong daw sa Barangay si Buboy ngunit, hindi ito hinayaan ng mga kasama na kasabwat din ni Buboy. Hanggang sa pati pera ay ibinigay na rin ni Jelai kay Buboy para lamang tumigil ito sa pananakot sa kanya.

Sa bandang huli ng vlog, makikita si Buboy na sunod-sunod na kumakatok sa bintana ng kotse nina Jelai. Akala ng mga kasabwat nito na parte pa rin ng prank ang ginagawa ni Buboy ngunit, totoo na pala ito dahil mayroong taga-barangay na sumisita at sinusubukan siyang hulihin.

Kaya naman, napilitan ito na tanggalin ang costume para papasukin siya sa kotse at ipaliwanag sa taga-barangay na prank lamang ang kanilang ginagawa. Ani raw nito kaya Buboy, nakaka-alarma daw sa paligid ang ginawa nito kaya nila sinita ang inakalang totoong taong grasa.

Dahil dito kaya humingi ng pasensya si Buboy sa taga-barangay na naabala at naalarma sa kanyang ginawa. Ani pa ni Buboy, totoong kinabahan na daw siya noong mayroong dumating na sumita sa kanya. Natawa na lamang sa kanya si Jelai at ang mga kasabwat nito.


“Disturbance daw ako eh namigay nga ako ng marshmallow eh,” pagbibiro pa ni Buboy.

“Pero grabe kinabahan talaga ako. Legit! Kinabahan talaga ako kasi… Barangay nga ‘yun eh. Tapos may mga radyo na parang, ‘Hoy! Ano na, hulihin niyo na ‘yan ha’,” dagdag pa ni Buboy.

Gayunpaman, tagumpay naman ang ginawang prank na ito ni Buboy kahit na muntikan itong mauwi sa Barangay. Tagumpay nitong na-prank si Jelai na talaga namang walang kaalam-alam na prank lamang ang nangyayari at si Buboy lamang ng taong grasa na tumatakot dito.

Ayon naman kay Buboy, mahalaga sa kanya ang video na ito kasama si Jelai dahil pagkakataon niya na rin ito para pasalamatan ang vlogger na siyang nagkumbinse sa kanya na subukan ang pagv-vlog. Dahil dito kaya napaka importante para sa kanya si Jelai at walang sawa itong nagpapasalamat dito.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment