Thursday, November 5, 2020

OFW, Umalma Matapos Kunin na Ninang Para Lamang Sagutin Niya ang Gastos sa Binyag


“Pangalawang magulang po hindi sponsor.”

Ito ang idiniing mensahe ng OFW na si Rachelle nang ibahagi niya sa Facebook ang naging pag-uusap nila ng isa niyang kaibigan. Dito, kinukuha si Rachelle bilang ninang ng ikalawang anak ng natura nitong kaibigan.

Ngunit, kakabit ng pagkuha rito bilang ninang ay ang panghihingi rin nito ng Php 5,000 kay Rachelle para raw sa gagastusin nito sa binyag. Ani ng naturang kaibigan ni Rachelle, tutal daw ay OFW ito at para na rin sa kanyang inaanak, maliit lamang daw para rito ang Php 5,000.

Dahil dito kaya hindi na napigilan pang umalma ni Rachelle. Maayos siyang tumanggi sa hinihingi nitong pera dahil daw sa mga gastusin na mas kailangan niyang unahin. Ngunit, minasama ng kaibigan niyang ito ang kanyang pagtanggi.


Hanggang sa tinawag na siya nitong ‘madamot’ dahil sa hindi nito pagbibigay ng hinihingi niyang pera. Ayon sa kaibigan niyang ito, maliit lamang daw ang hinihingi niya ritong pera at bilang ninang ng kanyang anak ay dapat daw na nalalapitan niya ito.

“Naku naku ganyan talaga pag nasa abroad na. Lumalaki na ang ulo… Ang yabang mo. Sayo na yang 5k mo,” saad pa nito kay Rachelle.

Ipinaliwanag naman dito ni Rachelle na porke nasa ibang bansa ito ay marami na siyang pera. Pinaghihirapan niya ang bawat pera na mayroon siya kaya hindi madaling ibigay ang hinihingi nito ritong halaga.


Pagbabahagi pa nga ni Rachelle, kung tutuusin ay hindi niya umano alam na ninang din pala siya ng isa nitong anak at nalaman niya na lamang noong pasko ngunit, nagbigay pa rin siya rito.


Kaya naman, sa kanyang Facebook post ay inilabas ni Rachelle ang kanyang saloobin tungkol dito pati na rin sa madalas na kaisipang porke isa silang OFW ay marami na silang pera. Ani nito, ayaw niya umanong tumanggi bilang ninang ngunit, sana raw ay isipin ng mga ito na hindi lamang pagbibigay ng pera ang tungkulin ng isang ninang.

Heto ang pa ilang bahagi ng kanyang ibinahaging Facebook post:

“Nakakalungkot lang isipin na kinukuha kang ninang ng iba mong kaibigan para lang may ganito ganyan. Keso nasa abroad daw ako keso malaki daw sahod ko. Oo nasa abroad ako pero di ako lumalangoy sa pera. Kung ano man yung kinikita ko pinaghihirapan ko yun…

“Never ever think na nandito kami para lang sumakit ang ulo kakaisip ng ipapasalubong sainyo… Kakausapin ka lang pag manghihingi ng pasalubong o ng pabor. Hindi naman ako nanghingi ng pabaon nung umalis ako diba? Kung makahingi wagas ? Sapilitan? 



“Always keep in your mind na hindi purket nasa abroad kami naliligo na kami sa dolyar. Nahihirapan din kami lalo na yung mga OFW na walang kasamang pamilya. Kahit yung mga di OFW. Kahit yung mga nagwowork jan sa Pinas na kukunin nyong ninong at ninang.


“Bawal tumanggi sa pagiging ninang at ninong. At ayoko naman talagang tumanggi kasi angels ang mga bata pero isipin nyo na kaya nyo kame kukuning ninang at ninong para nandito kami na magbibigay ng guidance if ever na wala kayo sa tabi nila hindi para gawing sponsor.”

Source: curiano


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment