Hindi na bago para sa aktres na si Jessy Mendiola ang makatanggap ng mga pambabatikos at pamumuna mula sa mga bashers. Kaya naman, kamakailan lang ay bagong pamumuna na naman ang natanggap nito sa isang netizen.
Sa isang larawan na kanyang ibinahagi sa Instagram kung saan, ipinapakita niya ang kanyang bagong workout outfit, isang netizen ang nag-iwan ng hindi magandang komento tungkol sa tiyan daw ni Jessy.
“Bat ganun ung tyan nya..parang nanganak na,” komento pa ng netizen na ito.
Bagama’t hindi pinalagpas ni Jessy ang pambabatikos na ito sa kanya, mas pinili ng aktres na maging positibo sa paraan ng pagsagot niya sa basher. Dito, ipinaalala niya na itigil na ang ‘body shaming’.
“Naku sana nga ganyan itsura ng tyan ko kapag nanganak nako. (smiling face with smiling eyes emoji) #notobodyshaming,” sagot pa nga ni Jessy.
Dahil sa paraan ng pagsagot na ito ni Jessy sa naturang basher ay umani ito ng papuri at paghanga mula sa ibang netizen. Imbes na gantihan ay mas pinili ni Jessy na maging kalmado at maging mabuti pa rin.
Dahil din dito kaya ipinagtanggol sa Jessy ng maraming mga netizen mula sa naturang basher. Ani pa ng ilan sa mga netizen na ito:
“Love how you handle this kind of comment, Jessy. Slay girl!”
“Ka lalaki mong tao chismoso ka. Kung hindi ka sigurado, manahimik ka nalang.”
“Nakakita ka na ba ng tiyan ng nanganak na? Abay wish ko manganak ulit at nang magaya ako sa tiyan ni Miss Jessy. Kaloka ka naman, sir! Mema lng.”
“Ganda mo sobra, Miss Jessy. Hayaan mo na ‘yung mga taong nega… Godbless!”
Kalaunan, dahil marahil sa mga pagtatanggol na ito kay Jessy ay humingi na rin ng tawad ang basher para sa iniwan niyang komento para kay Jessy. Ani pa nga nito,
“Sorry po kasi ang tingin ko sa una parang sag ung skin nya sa tyan nya...na parang kakapanganak nya gaya ng kapit bahay namin...pero kung hindi...wag po kaung magalit kasi tao lang naman po ako...pasensya na po mga sir madam.”
Noon pa man ay naging tumupulan na ng mga pamababtikos ang aktres na si Jessy dahil sa kanyang katawan. Minsan pa nga nitong inamin ang naranasang depresyon dahil sa matinding pambabash na inabot niya mula sa publiko.
Ngunit, kalaunan ay natutunan ng aktres na tanggapin ang sarili at mahalin ang sariling katawan. Naging mas positibo ito sa kanyang pananaw sa buhay at natutunan na huwag magpa-apekto sa mga sinasabing negatibo sa kanya ng mga bashers.
Saad pa nga nito minsan sa isang Instagram post,
“When I won FHM’s sexiest woman in 2016, I thought... finally, people appreciate my efforts and my body. But I was wrong. I was bullied, body shamed with bashers calling me names like ‘pata, baboy, taba, etc…
“Then I realized, why should I feel bad about myself when I loved myself even before I was called ‘sexiest’...
“I still see myself as the 'pata girl' and it’s okay, it is just a matter of perspective. When I decided to shift perspective, everything started falling into place. I may not be the sexiest for others, but I am sexy and beautiful for myself, that alone is enough.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment