Wednesday, November 11, 2020

Isang Vlogger, Nakatanggap ng Reply Mula kay Barbie Imperial; Mga Netizens, umalma dahil Jowa raw ito!


Viral ngayon sa social media ang ginawang pagsagot o pagreply ng aktres na si Barbie Imperial sa larawang ibinahagi ng magkarelasyon at vlogger na sina Anthony Leodones at Jamie Bautista.

Bago ito ay nagbahagi muna ng video ang dalawa kung saan, inaasar ni Jamie ang boyfriend sa kanyang bagong iPhone12. Dagdag pang-aasar pa nito sa boyfriend ay ang kanyang wallpaper na larawan ni South Korean star, Park Seo-joon.

Kaya naman, hindi rin nagpatalo si Anthony at inilagay nito bilang wallpaper ng kanyang iPad ang larawan ng aktres na si Barbie Imperial.

Sa kanyang Facebook page, isang larawan nilang dalawa habang nag-aasaran ang ibinahagi ni Anthony. Caption niya pa rito,

“may iPhone12 ka lang may Barbie ako…”

Hindi naman inaasahan ng maraming mga netizen na talagang mapapansin ni Barbie ang naturang larawan kung saan siya ini-mention ni Anthony. Sa kanya mismong Facebook page, ishinare lang naman ni barbie ang naturang larawan na ibinahagi ng vlogger.

“Kilig naman ako Anthony,” ang saad pa nga ni Barbie sa Facebook post ni Anthony.

Hindi pa rito natatapos ang pagpapalitan nila ng mensahe ng vlogger dahil muli pang sumagot si Anthony sa shared post na ito ni Barbie. Dito, pabirong tinanong ni Anthony kung kailan daw sila magkikita ng hinahangaang aktres,


“SO KELAN TAYO MAG MEMEET CHAR HAHAHAHAHAHAHA,” ani pa rito ni Anthony.


Mukhang hindi naman ikinatuwa ng girlfriend nito na si Jamie ang ginawang palitan ng mensahe ng dalawa. Sa parehong post, sumagot din kasi si Jamie sa boyfriend ng isang simpleng emoji.

Ngunit, hindi rin nagpahuli si Barbie at sinagot pa ulit ang tanong na ito sa kanya ni Anthony. Sagot niya pa rito,

“kelan ka ba pwede?”

Ang palitang ito ng mensahe nina Barbie at Anthony ay agad namang naging trending sa mga netizen sa social media. Karamihan sa mga ito ay natatawa sa naging reaksyon ni Jamie sa palitan ng mensahe nina Barbie at ng kanyang boyfriend.


Ani pa nga ng ilang mga netizen, mukhang lagot umano kay Jamie si Anthony dahil sa pang-aasar nito sa kanya at sa mga mensahe nito kay Barbie. Bentang-benta sa mga netizen ang biruan na ito ng tatlo at natatawa pa sa palitan nila ng mga sagot.

Natatawang komento pa nga rito ng ilang mga netizen:

“Anthony Leodones lagot Ka kay ate Jaime!”

“Huling comment sandali bago mag sakuna.”

“HahAhahhaahhaa Anthony lang malakas.”

Sina Anthony at Jamie ay kabilang sa mga kilalang vlogger sa kasalukuyan. Unang nakilala si Anthony dahil sa pagbabahagi o pagpo-post nito ng mga nakakatawang videos o ‘vine’ sa Facebook.


Umani naman ng maraming fans at tagasuporta sina Jamie at Anthony dahil sa hilig ng mga ito na magbahagi ng mga sweet posts sa social media para sa isa’t-isa. Marami ang kinikilig sa mga ito na kalaunan ay naging fan na rin nila.

Nagkaroon pa dati ng long distance relastionship ang dalawa dahil sa pananatili ni Anthony sa Japan. Bagama’t sumunod din doon sa kanya dati ang girlfriend, kalaunan ay umuwi rin sa Pilipinas ang mga ito.

Source: pinoytrendz

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment