Upang maiwasan ang paglaki ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, kasabay ng pagpapatupad ng community quarantine ay ang pagbabawal din sa anumang pagtitipon lalong-lalo na ang mga kasiyahan o party.
Kaya naman, nang maging viral kamakailan ang isang video na ito kung saan, makikita ang maraming tao na nagpaparty nang walang anumang suot na face mask o face shield, umani ito ng mga pambabatikos mula sa publiko. Makikita din dito na hindi ipinatupad ang social dancing habang nagkakasayahan at nagsasayawan sa saliw ng musika.
Ayon sa ulat, ang naturang video ay nakunan at naganap daw sa Bacolod City. Nito lamang ika-6 ng Nobyembre, Biyernes ng gabi, naganap raw ang naturang party o pagtitipon sa Art District sa Barangay Mandalagan, Bacolod City.
Base sa video, makikita ang malaking paglabag nito sa ipinapatupad na quarantine protocols laban sa COVID-19. Sa ilalim ng minimum health protocols na ipinapatupad habang nakataas ang general community quarantine, ang pagtitipong tulad nito ay lubusang ipinagbabawal.
Kaya naman, viral agad ang naturang video at umani ng iba’t-ibang mga reaksyon mula sa publiko. Dismayado ang karamihan sa mga ito sa naturang paglabag na maaaring magkaroon umano ng hindi magandang resulta.
“Undermining government mandated protocols and putting other people's health at risk is a blatant mockery of the law, hopefully you’ll get your day in court…,” komento pa nga tungkol dito ng isang netizen.
Ayon sa ulat, matapos magviral ang naturang video ay nagsagawa na ng imbestigasyon ang Bacolod Emergency Operations Center (EOC) upang alamin ang katotohanan sa likod ng viral clip at kung mayroon ba itong nagawang paglabag.
Ayon naman kay Maria Joy Maredith Madayag, city director ng Department of the Interior and Local Government, gagawa din daw ng inspeksyon sa naturang pangyayari ang Business Permit at Licensing Office.
“From the video circulating in the social media with #vivaexcon2020, attendees were seen partying without face masks, (without) social distancing, and (while) consuming alcohol in public,” saad pa nito.
Dahil din sa naturang pangyayari kaya pinag-igting pa ng lokal na pamahalaan ang kanilang pagbabantay at pagpapatupad ng batas para sa pagsunod sa health protocols na laban sa COVID-19.
Maging ang mga kapulisan ay pinag-doble din ang pagbabantay sa mga katulad na pangyayari upang hindi na ito maulit pa habang nandyan pa rin ang banta ng pandemya.
Samantala, kahit na kumalat ang naturang video at kita ang mga paglabag umano ng mga dumalo sa nasabing pagtitipon, iginiit ng Visayas Islands Visual Arts Exhibition and Conference o VIVA ExCon na wala umanong naganap na kasiyahan o pagtitipon sa Art District ng Brgy Madalagan, Bacolod City noong ika-6 ng Nobyembre kung saan, sinasabing naganap ang pagtitipon na nakunan sa video.
Sa kabila nito, iginiit din ng vice mayor ng Bacolod City na chairman din ng Inter-Agency Task Force Against COVID-19 ng siyudad na si El Cid Familiaran na mayroong gaganaping imbestigasyon ng pangyayari.
Sa ngayon, pumalo na sa 400,000 ang kabuuang bilang ng mga mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Mahigit 362,000 naman sa mga ito ang gumaling na habang mahigit 7,000 naman na ang nasawi dahil sa COVID-19.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment